Advertisers

Advertisers

Kiray Celis trending ang pag-upo sa ibabaw ng vending machine para sa prenup photo

0 11

Advertisers

Ni Anne Venancio

TRENDING si Kiray Celis matapos ang kanyang prenup photo kasama ang fiancé na si Stephan Estopia sa Dotonburi District, Osaka, Japan kung saan makikitang nakaupo ito sa ibabaw ng vending machine.

Ayon kay Kiray, handa siyang humingi ng paumanhin sa mga nadismaya. “Oo naman po, willing akong mag-apologize kung talagang na-offend ko sila. Pero wala talaga akong idea, hindi naman po ako Japanese,” paliwanag nito.

Nilinaw din ni Kiray na wala silang intensyon ni Stephan na maka-offend ng kahit sino. “Pumayag ako kasi iyon ang sinabi ng photographer. Marami na rin akong nakita na ganitong kuha sa ibang turista, kaya nagulat ako nang lumabas yung photos at mag-trending.”

Napili umano nina Kiray at Stephan ang Japan dahil sa espesyal na koneksyon sa kanilang kasal at sa pagmamahal niya rito.

Ikinatuwa naman niya na positibo ang pagtanggap ng ilang Japanese sa kanilang shoot na kung saan napagkamalan siyang model.