Advertisers

Advertisers

2 sugarol timbog, nakuhan pa ng boga sa Valenzuela

0 12

Advertisers

Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang lolo nang maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal at makuha pa ng baril ang isa sa kanila sa Valenzuela City, noong Nobyembre 15.

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang naarestong mga suspek na sina alyas “Robert”, 25, at alyas “Rico”, 60, kapwa residente ng Brgy., Karuhatan.



Ayon kay Capt. De Leon, habang nagsasagawa ng anti-Criminality operation Oplan Galugad ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Padrigal St., Area 6, Brgy., Karuhatan nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng sugal na ‘cara y cruz’ dakong ala-1 ng madaling araw.

Kaagad inaresto ang mga suspek nina PCpl Melvin Unciano at PCpl Jerome Siquig kung saan nasamsam sa kanila ang P340 bet money at pangara.

Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Unciano kay ‘Robert’ ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala at nang hanapin siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng mga baril ay walang naipakitang suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-illegal Gambling Law habang karagdagang mga kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act.(Beth Samson)