Advertisers

Advertisers

Andrea Brillantes, bagong Tanduay Calendar Girl, mas mapangahas sa 2026

0 305

Advertisers

Ni ANNE VENANCIO

All-out ang pagiging fierce ni Andrea Brillantes bilang 2026 Tanduay Calendar Girl.

Kitang-kita ito mula sa kanyang explosive dance performance hanggang sa mga concept na personal umano niyang tinutukan.

Kung dati’y sweet teen star ang kilala ng publiko, ngayon ay isang empowered young woman na ang humaharap sa spotlight.

Aminado si Andrea na nagulat siya nang matanggap ang offer, lalo na’t iniisip niya rin ang magiging epekto nito sa kanyang pamilya at mga supporters. Ngunit nang ma-finalize, itinuring niya ito bilang malaking milestone sa kanyang career.

Sa kanyang performance, hands-on ang aktres mula sa choreography hanggang sa concept na hango sa kantang ‘Man! I Feel Like a Woman.’ Maging sa visual concepts, hindi nagpahuli si Blythe. Inspirasyon niya ang iconic rose scene ng American Beauty at siya mismo ang nagpilit na isama ito sa calendar layout. “Gusto ko ng something classic pero striking. Yung mapapaisip ang tao, ano bang era ito?”. ‘Para maging timeless ang dating ng mga litrato at hindi magmukhang costume lang,’ aniya pa.

Hindi umano naging madali ang proseso lalo na nang nagka-COVID siya ng isang buwan bago ang photoshoot. Pinili niyang i-prioritize ang kalusugan kaysa pilitin ang katawan para sa “ideal” na hubog.

Nilinaw din nito na hindi naman matatawag na “bagong Blythe” ang transformation na ito. “Ako pa rin ‘to, pero mas matapang, mas kumpyansa, at mas may hawak sa direksyon ng career ko. Surreal siya,” aniya pa.

Pagpasok ng 2026, giniit ni Andrea na mas kaabang-abang ang karakter niya. “Mas matapang pa sa akin.”

Nang matanong ito tungkol sa kanyang Christmas wish? ‘Yung totoo? Pera! Pero syempre, time with friends and family.”