Advertisers
MARAMI ang natulala sa ginawang ‘video confession’ ni ex-Ako Bicol Partylist representative Zaldy Co last Friday, Nob. 14.
Sino ba naman ang hindi magugulat sa kanyang bintang, na mismong si Pangulong BBM ang nag-utos daw sa kanya na “magsingit” (insertion) ng P100 bilyon halaga ng mga proyekto sa 2025 national budget nang pag-usapan na ito sa ‘BiCam’ (Bicameral Conference Committee) ng Kongreso at Senado last year, 2024.
Ang “utos”, aniya, ay sinang-ayunan ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ni PBBM.
Sa halip namang pairalin ang ating emosyon sa mga tinuran ni Zaldy Co, dapat muna nating isipin kungsaan ba nanggagaling ang “hugot” nitong si ex-Congressman.
Gaya nang alam ng lahat, umatras nang umuwi ng ‘Pinas si Zaldy Co na nagdahilan ng medical checkup kaya umalis ng bansa bago ang SONA ni PBBM noong Hulyo.
Ang naging problema niya, mismong si Pang. Marcos ang nagbulgar, kumondena at nagpa-imbestiga sa daang bilyones na flood control project scam sa kanyang SONA noon ding Hulyo.
At bilang dating chairman ng House Appropriations Committee hanggang noong Enero 2025 kungsaan aprubado na ang 2025 national budget, marami siyang dapat ipaliwanag.
Aniya pa, si Romualdez umano ang nagsabi sa kanya na huwag nang umuwi ng Pilipinas dahil utos din umano ito ng Pangulo. ‘Yan ang kuwento niya.
Ang nakikita natin? Alam ni Zaldy Co na malapit nang makansela ang kanyang passport at nagpapatulong narin sa Interpol ang Department of Justice upang matukoy kung nasaan siya at ma-deport pabalik ng ‘Pinas.
Kumbaga, “lumiliit na ang mundo” at malapit nang masukol si Zaldy Co. Mismo!
At dahil desperado na ang tarantado, nagdesisyon nalang gumawa ng mga kuwento para iba ang “madiin” at makalusot siya sa mga kaso. Tuldukan!
***
MAY kumakalat na matinding “kuwentong barbero” sa mga hallway ng poder:
Hindi raw nagustuhan ng kapatiran ang nangyaring pagpapalit sa Aduana at BIR. As in, nanggigigil sa galit!!!
Nagsimula raw ang lahat nang sabay-sabay maglaho sa puwesto sina Rubio, Baquiran at Raval — tatlong pangalang hindi raw gagalaw kung ‘di nakaangkla sa “kapatid”. Ganun?
Pero ang nakakaintriga… May isang mala-action star na gabinete, tawagin nating “Sec. Pogi”, na halos magtampo sa langit sa kaka-lobby para maibalik sila. Mismo!
Wala raw pinatawad — Palasyo, Central, kung saan may pinto, doon kumakatok. Tsk tsk tsk…
Anim na beses daw nagpaikot-ikot si Sec. Pogi para mapigil ang tatlong gabing INC rally. Ganun?
Para raw bagyo kung umarangkada. “Super Typhoon Pogi”, sabi ng mga saksi. Hehehe…
Pero — plot twist —
Hindi parin naibalik ang tatlo. Kinapos yata sa “superpowers” si Sec. Future Standard Bearer. Hehehe…
Kaya raw humirit ang kapatiran:
– Ibalik si Baquiran—kahit BIR nalang!
– Isingit si Raval— pasok naman sa DILG
Pero — ayun na.
Hindi pumayag si BIR Commissioner Lumagui. At doon na raw naging literal ang “nagliyab ang relasyon.”
Ending?
Si Lumagui mismo ang napuruhan, sinibak!
Ganiyan kagaling ang “negotiating style” ni Sec. Pogi — kapag hindi nakuha ang gusto, may nalalaglag.
Si Raval? Naisiksik po sa DILG.
Ngayon ang tanong:
Bakit nga ba todo-todo ang interes sa BIR at BOC?
Ano ba ang hinahanap doon — kaban, kontrol, o kumbinasyon?
At si Sec. Pogi… Kaya mo pa bang kunin ang endorsement ng kapatiran sa 2028?
O baka naman, before 2028… may mawawala ulit?
Abangan — mas exciting pa sa telenovela.