Advertisers
INATASAN ni Philippine National Police Chief, Lt General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na paigtingin ang cyber-patrolling laban sa mga online content creator na posibleng manamantala sa tatlong-araw na rally at mag-post at magpakalat ng mga gawa-gawang impormasyon para galitin at hikayatin ang publiko na gumawa ng labag sa batas.
Ayon kay Nartatez, iginagalang ng PNP ang kalayaan sa pagpapahag ng hinaing ng publiko, ngunit mayroon li-mitasyon ang kalayaan ito kabilang ang pagpo-post ng fake news at gawa-gawang impormasyon na layon linlangin ang publiko.
“I already tasked our PNP-ACG to monitor all of these and take the necessary legal action. We respect the freedom of speech and the freedom to air grievances but these does not include false claims and fake contents,” pahayag ni Nartatez.
Sinabi ni Nartatez na may ilang post sa iba’t ibang social media platform na nagsasabing pagdami ng tao at pagsiklab ng kaguluhan sa Mendiola ang nakita ng PNP.
“May nakita po kaming ilang posts na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa alleged crowd build-up. Our ground units have verified repeatedly that there is no such situation,” ani Nartatez.
Nagbabala rin si Nartatez sa ilang content creators sa pagsadyang pinagrabe ang sitwasyon upang maghasik ng pangamba o takot at mag-udyok ng kaguluhan.
Aniya, patuloy ang pagmo-monitor ng PNP sa ilang account na may pattern ng pagpapakalat ng hindi beri-pikadong mga alerto kaugnay sa mga rally.
Nanawagan si Nartattez sa publiko na maging maingat sa pag-share, huwag basta basta mag-forward kung hindi verified ang mga nababasa o nakikita sa social media o online upang maiwasan makadagdag sa gulo nang hindi sinasadya.
Inaasahang dadaluhan ng mahigit 100,000 katao ang protesta ng INC sa Quirino Grandstand, habang libu-libo pa ang magpapatuloy ng mga protesta sa ibang bahagi ng Metro Manila.(Mark Obleada)