Advertisers

Advertisers

LGU employee at TUPA beneficiary huli sa pagtutulak ng droga

0 282

Advertisers

Arestado sa operasyon kontra ilegal na droga ang dalawang lalaki na tulak ng shabu partikular sa La Chica St., Purok 3, Rizal, Santiago City.

Kinilala ang mga suspek sa pangalang “Puong”, 35-anyos, may asawa, isang Caretaker/TUPAD Beneficiary at residente ng Diffun, Quirino; at “Jojo”, 46-anyos, may asawa, isang Equipment Operator ng LGU at residente ng Calao West, Santiago City.



Sa halagang P7,000.00, nakipagtransaksyon ang mga suspek sa isang pulis na umaktong bibili ng droga bitbit ang isang sachet ng Shabu.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang ginamit na pera sa operasyon kabilang ang 2 Android Phone na pagmamay-ari ng mga lalaking nahuli.

Ayon sa TUPAD Beneficiary, inihatid lamang umano nito ang motor ng kasamang nahuli bagama’t hindi itinanggi ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot habang dati namang Drug Surrenderee ang sangkot na LGU Employee.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap na kaso ng mga pinaghihinalaan na nasa kostodiya na ng SCPO Custodial Facility. (Fidel Caloma)