Halos lahat ng big stars ng GMA ay dumalo sa selebrasyon ng thirtieth anniversary ng Sparkle GMA Artist Center
Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Kabilang sa mga nag-perform sa gabing iyon sa MOA Sky Amphitheater ay sina Alden Richards, ang tatlong next-in-line na reyna ng network na sina Barbie Forteza, Bianca Umali at Jillian Ward, at ang phenomenal housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, Michael Sager, Shuvee Etrata, Vince Maristela, AZ Martinez, Josh Ford at Charlie Fleming.
In fairness, grabe ang tilian sa performance ng mga members ng StarStruck mula sa iba-ibang batches!
Nag-perform at tinilian rin si Miguel Tanfelix, ang mga Sang’gre ng Encantadia Chronicles na sina Bianca, Faith da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian, ang magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz at si Julie Anne San Jose.
Pasabog ang performances ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, Boobay at nina Michelle Marquez Dee, Rita Daniela, ng Boys of Summer, Sparkle Cuties and Beauties at marami pang iba.
Ang guwapo nina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, Anthony Rosaldo na mga umawit rin, at ng hosts na sina Martin Javier at Brent Valdez.
To-the-max rin ang performance level ng iba pang GMA at Sparkle stars tulad nina Max Collins, Betong Sumaya, Ja na sa dami ay hindi na namin maisa-isa.
Naging triple celebration rin ang gabing iyon dahil birthday nina GMA lady boss Annette Gozon-Valdes at Sparkle executive na si Joy Marcelo.
Punumpuno ang venue ng mga fans, pamilya, kaibigan at mga taga-suporta ng mga bituin ng GMA at Sparkle na karamihan ay nag-uwi ng mga premyo dahil napakaraming ipina-raffle na prizes mula sa generosity ng mga sponsors.
Nakatutuwa ang video greetings nina Richard Yap, David Licauco at ang madamdaming mensahe ni Iza Calzado na labis ang pasasalamat sa GMA na siya niyang unang naging tahanan at humubog sa kanya bilang isang artista.
SUZETTE RANILLO BILIB KINA
JEROME PONCE AT
JOSEPH MARCO
Hiningan namin ng komento ang beteranang aktres na si Suzette Ranillo tungkol kina Jerome Ponce at Joseph Marco na mga leading men sa Viva One series na I Love You Since 1892.
Aniya, “Aside from being both good looking, Jerome and Joseph are both examples of how gentlemen should behave.
“Chivalry is not dead with them.
“And they both put their hearts to their roles.
“They are both competent and hardworking na kahit na puyat tuloy pa din ang pag aral and pagme-memorize nila ng kanilang linya.”
Female lead sa I Love You Since 1892 si Heaven Peralejo.
Sa direksyon ni McArthur C. Alejandre, available for streaming sa Viva One ang I Love You Since 1892.
Bilang madreng si Sister Olivia ang papel ni Suzette sa I Love You Since 1892 ng Viva One.