Advertisers

Advertisers

MATUTO KAYO NG RESPETO SA BATAS AT PROSESO

0 9,840

Advertisers

PATULOY na hindi nababawasan ang galit ng publiko hinggil sa malawakang korapsyon sa pamahalaan kung saan, binabasa ninyo ito, nasa ikatlong araw na simula noong Linggo ang mga kilos-protesta, partikular sa Metro Manila.

At bagaman nalulungkot tayo, hindi rin tayo nagtataka na ang mga masugid at maingay na sumusuporta sa administrasyon ay mga prenteng grupo ng mga komunista, ang mga ‘Pinklawan’ at mga hayagang bayarang ‘NGOs’ at iba pang ‘local conduits’ sa kilusang masa (mass movement) ng ‘Tadong Unidos.’

Nalulungkot tayo dahil nasaan na ang may 32 milyon Pilipino na bumoto kay PBBM tatlong taon pa lang ngayon ang nakaraan, noong 2022 presidential election?

Hindi na rin naman tayo nagtataka dahil pulos ganid sa salapi at notoryus na mga oportunista na ang tunay na amo ay ang Embahada ng Kano ang naiwan ngayon sa kampo ng Palasyo.

Para sa mga grupong ito, mainam nang matapos ni BBM ang kanyang termino at huwag magbitiw kesa naman anila ang maupong pangulo ay si VP Sara Duterte.

May nangangampanya rin ngayon sa kanila nang ‘Resign All’ sa argumentong “lahat” nang nakaupo ngayon ay mga korap pero kapag sinuri, isa lang din ang pakay nila— para hindi rin makaupong presidente si VP Sara.

Kumbaga, mas mainam sa kanila na tuluyang mabasura ang Saligang Batas at ang mga probisyon nito at mangibabaw na sa atin ang kawalan ng batas (mob rule), kung sa pagsunod sa tamang proseso ng ‘transition’ ay mauupong pangulo si Dutere.

Ayaw nilang pumayag na isa tayong lipunan na may mga batas at proseso na dapat sundin at irespeto ano man ang ating personal na opinyon upang hindi tayo tuluyang mauwi sa “batas ng kagubatan” (law of the jungle) na “matira ang matibay”—at para sa kanila, matira ang maingay.

Ang sinasabi ng batas? Ang Bise Presidente ang uupong pangulo sakaling hindi matapos ng ‘sitting president’ ang kanyang termino.

Nang ibinoto natin ang BBM-Sara noong 2022, malinaw at tinanggap natin ang panuntunang ito. Para nga hindi tayo maging magulo.

Oops! Hindi natin isinusulong si VP Sara na sa totoo lang, kahit minsan, katulad ng mga kapatid niya, ay hindi pa natin personal na nakita o nakausap.

Ang ipinupunto natin dito ay ang kawalang prinsipyo at pagiging balahura nang ilang grupo kung saan ‘optional’ at ‘discretionary’ ang kahalagahan ng pag-iral ng batas.

Translation? “Okay” sa kanila ang pag-iral ng batas—basta pabor sa kanilang interes at isinisigaw na islogan. Matuto naman kayo ng respeto.