Advertisers

Advertisers

‘WAG KALIMUTAN ANG LOBO

0 92

Advertisers

‘AMOY na amoy na ang posibleng pagpapalit ng mga nakaupo sa Malakanyang dahil sa isyu ng malawakang pandarambong na umukit sa kasaysayan ng Pinas.

Ito’y kung papansinin natin ang nagkalat na mga pagbibigay ng pahayag mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan kabilang na ang ilang kilalang personalidad at politiko na tanda ng pagsuporta sa kasalukuyang administrasyon.

Lalo pang lumaganap ito nang lumabas ang ‘Co-Mag’ as in ‘Co-Magnanakaw’ [daw] ng mga mandarambong kung saan diretsong isinangkot ang Pangulo etal sa naturang isyu habang siya ay wala naman daw pakinabang sa naganap na pandarambong sa kaban ng bayan. Hanep din sa tanggi ha!

Naganap ito ilang araw bago isagawa ang malaking protesta ng pagpapahayag na sinabayan naman ng umano’y pagbabantay ng militar sa umuugong na destabilisasyon bagaman mahina naman daw kung tutuusin ang naturang banta.

Ang matindi ay yung naging pahayag ng samahan ng mga Obispo sa bansa! Ang tono ng kanilang pahayag patungkol sa paratang ni Co-Mag ay tila kinopya lang sa naging pahayag mula roon sa tanggapan ng ‘Santo Papa del Filipinas’.

Ramdam naman ang hindi ma’kali sa upuan na mga ‘law-lawan’ kung paano ang magiging tugon ng mga ito sa ginawang pagbubunyag ni Co-Mag dahil kung Duterte ang sangkot ay tiyak na mabilis pa sa ipot ng tupang ina ay sasabihin na… ikulong yan, magbitiw sa puwesto etsetera etsetera.

Nang dahil sa hindi [nga] Duterte ang sangkot ay ipinunto nila na dapat panumpaan ang mga paratang na ito laban sa Pangulo etal na katulad din ng punto ng isang ‘Honorable’ na nasira na ang kredibilidad sa isyu na ito. Ika nga e ‘due process’ pero kapag Duterte ay ikulong agad tskk tssk tskk.

Sa tunay, maituturing na nasa estado ng kaguluhan ang Pinas. Halos wala nang inatupag ang ating gobyerno kundi magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing isyu habang walang humpay naman ang patutsadahan ng mga politiko depende kung sino ang kakampi o kalaban.

Aminin man o hindi ay sadyang may naamoy nang plano o kagustuhan na patalsikin na sa trono ang Pangulo dahil sa isyu ng pandarambong lalo na’t tuwing umuulan ay lumalabas na tinarantado talaga ang flood control projects.

Usap-usapan sa karinderya ni Mommy ChuChu na kulang na lang ng matinding sangkap upang mapatalsik ang Pangulo. Kung tutuga raw ang kinasangkapan nilang heneral ay tiyak na tapos na ang boksing. Psssstt… bigyan agad ng lobo na may kasamang kendi ang mga tulad ni ‘Boxing General’ para kumalma!