Advertisers
Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang 27-anyos na lalaki na sangkot sa kasong carnapping at kabilang sa itinuturing na Most Wanted Person sa lalawigan sa Purok 1, Barangay Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Nobyembre 17, 2025.
Kinilala ang naaresto sa alyas Makoy, 27-anyos, construction worker.
Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Bayombong Police Station, Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (NVPIU/PDEU), at 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (1st NVPMFC) ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Oktubre 21, 2025, ni Hon. Cicero B. Jandoc, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 29 sa Bayombong, para sa kasong Carnapping (RA 10883) sa ilalim ng Criminal Case No. 14224 at may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso (P300,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bayombong Police Station si Makoy para sa dokumentasyon bago ilipat sa korte para sa legal na proseso.(Fidel Coloma)