Advertisers

Advertisers

KAMANGMANGAN NI CONG. KIKO BARZAGA SA BATAS AT PROSESO

0 22

Advertisers

SA panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang maling impormasyon o fake news, lalong delikado kapag ang pinagmumulan nito ay isang mambabatas na inaasahang may pinakamalalim na pag-unawa sa batas at proseso.

Ito ang nakakalungkot sa naging pahayag ni Cong. Kiko Barzaga nang maliitin at kutyain niya ang Philippine National Police (PNP) matapos magsilbi ng warrant of arrest sa condo ni dating Cong Zaldy Co kahit daw nasa abroad ito.

Kung batas at proseso ang pag-uusapan, malinaw na tama ang ginawa ng PNP.

Kapag naglabas ang korte ng warrant of arrest, obligadong sundin ito ng law enforcement.

Hindi puwedeng umasa ang pulisya sa tsismis sa Facebook, balita-balita sa X, o mga post na “nasa ibang bansa” daw ang isang akusado.

Kailangan nila ng opisyal na kumpirmasyon, at hindi basta haka-haka.

Ang tanging lehitimong basehan diyan ay record ng Bureau of Immigration (BI)—hindi memes, hindi screenshots, at lalong hindi opinyon.

Hangga’t walang opisyal na tala na nakalabas ng bansa ang akusado, presumed present siya sa bansa—kaya obligadong puntahan ng PNP ang lahat ng known addresses, kabilang ang kanyang tirahan.

Standard procedure ito. Ito rin ang paraan para mapakita sa hukuman na ginampanan nila ang due diligence na hinihingi ng batas.

Kung hindi nila ito gagawin, sila mismo ang lalabag sa mandato ng korte.

At kung sakaling nasa labas nga ng bansa si Co, lalong mahalaga na may record na sinubukan siyang hanapin.

Ito ang magiging basehan para sa lookout bulletin, hold departure order, o kahit extradition kung umabot sa ganoong punto.

Kaya ang pangungutya ni Barzaga ay hindi lamang mababaw—ito’y nakaliligaw at nakakapinsala sa publiko dahil binabaluktot nito kung paano talaga gumagana ang sistema.

Masakit man sabihin, pero ang ipinakita ni Cong. Kiko Barzaga ay hindi talino—kundi kapangahasan at kamangmangan sa batas.

Aba’y sa halip na magbigay-linaw bilang mambabatas, naghatid siya ng kalituhan.

Naglabas siya ng mali at mapanlinlang na komentaryo sa halip na tumulong magpaliwanag.

Kaya nararapat lamang na bigyang-pugay ang PNP Taguig sa ginawa nila.

Tahimik nilang ginawa ang trabaho—ayon sa batas, ayon sa proseso, at ayon sa tungkuling iniatang sa kanila ng korte.

Good job po sa ating mga pulis.

At sana ang iba d’yan gaya ni Cong. Barzaga, bago mangutya at mag-“meow,” magbasa o mag-aral muna ng proseso o kumonsulta sa abugado.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.