Advertisers

Advertisers

7 SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL KALABOSO

0 12

Advertisers

Hawak na ng mga awtoridad ang pito sa mga sangkot sa flood control scam.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang akusado ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) habang anim ang boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon sa Pangulo, dalawa pang akusado ang nakikipag-ugnayan na sa PNP–CIDG para sa kanilang nalalapit na pagsuko.

Aniya, ang isang naarestong indibidwal ay hindi nahuli sa kanyang mismong tirahan na umano’y indikasyon na maaaring tumutulong ang ilang tao upang ito ay makapagtago.

Lahat aniya ng sumuko ay mananatili sa kustodiya ng NBI habang hinihintay ang direktiba ng korte.

Giit ng Pangulo, ito ay bahagi ng patuloy at mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.

Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang imbestigasyon at operasyon upang matiyak na mananagot ang lahat ng sangkot.

“Hindi kami titigil. Hindi kami hihinto,” pagbibigay-diin pa ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)