Advertisers
Matagumpay na napasakamay ng Northern Police District ang 23-anyos na lalaki na tinaguriang Top 10 (District Level) at Top 9 (Station Level) Most Wanted Person ngayong buwan ng December 2025, sa ikinasang manhunt operation na isinagawa sa Caloocan City.
Sa ulat na ipinadala kay Northern Police District Director PBGen. Jerry Protacio ni Caloocan Police Chief PCol. Joey Goforth, 3:30 ng hapon nitong Miyerkoles nang madamba ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station, ang akusado sa Guyabano Street, Malaria, Brgy. 185, Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 28( a) in relation to Section 28 (e) of RA 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
May inirekomenda ang hukuman ng piyansang P120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Makaraang sumailalim sa standard medical at physical examination, inilipat ang akusado sa Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) para sa pansamantang pagkakulong habang hinihintay ang court order na maipiit ito sa City Jail.(Beth Samson)