Advertisers
Ni Anne Venancio
Todo ang paghahanda ni Alden Richards para sa ARXV: Moving ForwARd fan meet sa December 13 bilang selebrasyon ng kanyang ika-15 taon sa showbiz.
Balik pasasalamat ito ng aktor sa kanyang mga fans.
“Lahat ng desisyon at detalye ay galing sa puso namin. Gusto naming maramdaman ng lahat ang appreciation ko sa suporta nila sa 15 yrs ko sa showbiz. Tiyak na magiging masaya at memorable ang event sa lahat ng dadalo,” ani Alden.
Aminado ang aktor na nanghihinayang siya na hindi na nakikita ng yumaong ina ang kanyang tagumpay kung saan blockbuster ang kanyang mga pelikula, maraming endorsement at hit ang mga teleserye.
“Tuwing may achievement ako, naiisip ko palagi, sana nakita ng nanay ko ang lahat ng narating ko. Siya ang unang nag-push sa akin noon,” emosyonal na pahayag ni Alden.