Advertisers
BAGAMA’T wala pang kumpirmasyon mula sa International Criminal Court (ICC) na may inilabas nang arrest order laban kay Sen. Bato dela Rosa, may walo pang nakalista rito bilang “co-perpetrators”, ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti.
Pagkumpirma ni Conti sa panayam sa ‘Ted Failon and DJ Chacha’, sa dokumento na isinumite sa pre-confirmation stage, may walong nakalista bilang “co-perpetrators” ni dating pangulo Rodrigo “Digong” Duterte.
Bagaman redacted o tinakpan ito, may ilang indicators sa dokumento na nagsasabing “close enough”, “police officers”, at “appointed” ang mga nasa listahan.
Si Dela Rosa ang Chief PNP at may “pakana” ng ‘Tokhang’ kaugnay ng war on drugs ng nakaraang Duterte administration kungsaan higit 30,000 ang nasawi ayon sa human rights group, pero sa datus ng PNP ay higit 5,000 lang ang mga pinaslang.
Si Dela Rosa ay higit tatlong linggo nang ‘di nagpapakita sa publiko simula nang ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na nakatanggap na siya ng ICC arrest warrant laban sa senador.
Si Dela Rosa ay co-accused ni Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’.
Kasalukuyan nang nakakulong si Duterte sa ICC jail sa The Hague, Netherlands. Walong buwan na siya sa kulungan, at binasura na ng ICC ang kanyang petition na ‘interim release’.