Advertisers
HINDI bababa sa 200 katao, kabilang ang isang kongresista, isang retiradong heneral, at ilang negosyante ang kinasuhan kaugnay ng karahasan sa anti-corruption rally noong Setyembre 21, ayon sa Philippine National Police (PNP).
“Not less than 200 ang na-file-an natin ng kaso doon, and these cases ‘yung iba nililitis na,” ani acting PNP chief Lt. General Jose Melencio Nartatez, Jr.
Kabilang sa mga kaso ang paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880, arson, pananakit, at pang-uudyok sa sedisyon.
“There is a congressman. There is a retired high-ranking general among those na nakasuhan. There are businessmen. Continuing ang investigation namin,” dagdag pa ni CIDG director Major General Robert Alexander Morico II.
Sa naturang rally, mahigit 200 ang naaresto, kabilang ang 90 menor de edad, at da-lawang tao ang nasawi.
Patuloy ang imbestigasyon at may ilan nang kasong isinasampa sa korte.(Boy Celario)