Advertisers

Advertisers

Kim Chiu inireklamo ng qualified theft ang utol

0 19

Advertisers

PORMAL na nagsampa ng ‘qualified theft’ complaint ang actress na si Kim Chiu laban sa kanyang kapatid na si Lakambini Chiu nang madiskubre niya ang “seryosong financial discrepancies” sa kanilang negosyo.



Sinabi ni Kim sa kanyang opisyal na pahayag na napilitan siyang dalhin sa legal ang isyu nang matuklasang “malaking halaga na konektado sa business assets niya ang nawawala.”

Ayon pa sa kanyang mga abogado, ilang beses silang nagtangkang ayusin ang problema sa loob ng pamilya nguni’t hindi ito nagkaroon ng resolusyon.

Kasama ang kanyang legal counsels na sina Atty. Xylene Dolor at Atty. Archernar Gregana, inihain ni Kim ang reklamo at isinumite ang kanyang sinumpaang salaysay at mga ebidensiya sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City.