Advertisers

Advertisers

Wanted: Pampanga mayor hinahanting na ng batas

0 3

Advertisers

TINUTUNTON na ng mga awtoridad ang ki-naroroonan ni Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nang hindi makita nang isilbi ang warrant of arrest laban sa kaniya.



Inisyuhan si Capil ng arrest warrant ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 noong Nobyembre 28 para sa pitong bilang ng graft charges dahil sa ‘negligence’, nang payagan sa kaniyang bayan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub Lucky South 99, na sangkot sa human trafficking at iba pang iligal na gawain.

Noong gabi ng Linggo, Nobiyembre 30, nang isilbi ang arrest warrant sa bahay ni Capil ng Philippine National Police kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), subalit nabigo sila nang ‘di makita ang alkalde.

Samantala, sa official online page ng Porac municipal government, sinabi nito na wala pang opisyal na pahayag mula sa alkalde at kasaluku-yan pa aniyang bineberipika ni Capil at kaniyang legal team ang warrant, dahil hindi umano naipaalam sa alkalde ang hinggil sa arrest warrant o hindi nakatanggap ng kopya nito.

Tiniyak naman ng provincial government na isusumite ni Mayor Capil ang kaniyang sarili alinsunod sa hinihingi ng batas basta’t mabigyan siya ng due process o tamang proseso.

Nitong Lunes, kinumpirma ni PNP Public Information chief Brig. General Randulf Tuaño na hindi umalis ng Pilipinas si Capil, base narin sa rekord ng immigration.

Nagpaabot narin, aniya, si Capil ng surrender feelers sa PNP subali’t hindi pa batid sa ngayon kung susuko ito nga-yong linggo, kung hindi sisimulan na nila ang intensive manhunt sa alkalde.