Advertisers
NAGHAIN ng “not guilty” plea si Juliet Calvo, pinuno ng DPWH-4B maintenance division, sa graft case kaugnay ng P289 milyong substandard flood control project, partikular sa road dike sa Oriental Mindoro.
Humarap si Calvo sa Sandiganbayan Fifth Division na nakaposas, na pansamantalang pinaalis ni Associate Justice Zaldy Trespeses sa mga awtoridad, habang siya’y nagpapahayag ng kanyang plea.
Kinatawan siya ng abogado na si Juanito Lim Jr., na kumakatawan din sa anim pang opisyal ng DPWH sa parehong kaso.
Nag-post muna si Calvo ng P90,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan, ngunit nakulong muli matapos amyendahan ng Ombudsman prosecutors ang kaso para isama siya sa ‘malversation’ case ng parehong proyekto.(Boy Celario)