Advertisers
Ni Beth Gelena
Opening na sa mga sinehan ang magandang pelikula na
“Jackstone 5” na dinirek ng
award winning actor-director Joel Lamangan.
Ito ay kuwento tungkol sa bading na magkakaibigan mula bata hanggang maging senior na sila.
Sa present time, na may iba-iba na silang buhay ay nagkita-kita silang lima para sa kanilang reunion na sila lamang–sa magandang probinsya ng Pagsanjan at Kalayaan Laguna.
Ubod nang husay ang limang bida ng “Jackstone 5”: Eric Quizon; Joel Lamangan;
Jim Pebanco; Arnell Ignacio at Gardo Versoza.
Walang itulak-kabigin sa husay ng mga lead aktor.
Bawat isa sa kanila ay may moment kaya lahat sila ay nag-shine sa kani-kanilang mga eksena.
Bilang mga mahuhusay na aktor, kontrolado nila ang mga galaw nila.
Kitang-kita rin na nagbibigayan at suportahan sila sa mga eksena.
Walang sapawan at agaw eksena.
Sa confrontation scenes, walang sandaling hindi ka hahalakhak kasama nang tutulo ang iyong luha dahil nadadala ka na sa kuwento nila.
Puring-puri rin ang husay ni Eric bilang bading.
Sobrang natural ng husay niya bilang drama-comedy actor at iisipin mong sya na talaga ang bagong Dolphy.
Pero very humble si Eric bilang anak ng Comedy King, by saying, “Nag-iisa lang ang Dolphy. Walang papalit kay Dolphy”.