Advertisers

Advertisers

MAYOR SA PAMPANGA WANTED SA POGO HUB SUMUKO!

0 9

Advertisers

SUMUKO na si Porac, Pampanga mayor Jaime Capil nitong Martes sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 265 at nagpiyansa para sa kasong ‘graft’ kaugnay ng kontrobersyal na POGO hub sa kanyang ba-yan.

Nagsumite si Capil ng cash bond na P630,000, at ikinatuwa ng korte na natugunan ang mga legal na rekisito, inalis at in-recall ang arrest order na may petsang Nobyembre 27 at warrant of arrest na inisyu Nobyembre 28.

Nakatakda ang kanyang arraignment at pre-trial na pagdinig sa Disyembre 11 ganap na 1:30 ng hapon



Sa isang pahayag kasunod ng pagsuko ni Capil, iginiit niya na hindi siya kailanman nagtago at iginiit na sumusu-nod siya sa mga legal na pa-mamaraan.

Nahaharap si Capil sa pitong bilang ng graft, nang lumabas ang mga alegasyon na pinayagan niya ang ilegal na operasyon ng POGO na kilala bilang Lucky South 99 na mag-operate sa Porac noong 2024.



Noong Abril, napatunayang mananagot ng Office of the Ombudsman si Capil para sa ‘gross neglect of duty’ at nag-utos sa kanyang pagpapatalsik sa pwesto.

Iniutos ng Ombudsman na tanggalin ang mga benepisyo sa pagreretiro ni Capil. Nahaharap din siya sa habambuhay na pagbabawal sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.



Noong Mayo, gayunpaman, muli siyang nahalal bilang alkalde ng Porac.

Ang inirekomenda ang pi-yansang P90,000 sa kabuuan para sa pitong bilang.

Maaaring maglagak ng pi-yansa sa pamamagitan ng corporate surety, property bond, cash deposit, o pagkilala sa ilalim ng Rule 114 ng Rules of Court.