Advertisers

Advertisers

Harvey todo tanggol sa dyowang si AC

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa kanyand edad na 22 ay napatunayan na ni Harvey Bautista ang kanyang versatility bilang actor.

Katunayan, nakitaan siya ng potensyal sa pag-arte hindi lang sa drama, comedy, romcom at iba pa.

Hindi rin natatakot si Harvey na mag-explore ng iba’t-ibang klaseng roles para mapalawak ang kanyang acting range.

Katunayan,ang pagganap niya sa papel ni Ryan, isang bratty shoplifter at ng queer role sa CinePanalo entry na “PushCart Tales” ang naging konsiderasyon ng PMPC para siya ang itanghal na best supporting actor of the year.

Fearless kasi ang binata at keber to play roles against type.

May mga nagsasabi pa ngang mas magaling o mas may depth siya as actor kumpara sa kanyang amang si dating QC mayor Herbert Bautista na tila nakahon sa comedy.

“Oo naman,”pabiro niyang sagot. “Kasi me and my dad have this sort of inside joke na,mas, well, ‘mas magaling ako kasi sa’yo.’So, I think this just confirms that (tumutukoy sa kanyang tropeo), “dugtong niya.

Binigyan din daw siya ng payo ni Herbert kung paano magtagal sa industriya.

“He said, focus on, actually,focus on the your craft.Yan lang naman po kasi.Except, take away all the gadgets and all the things.This is the work. This is the job.But then, he just told me to keep focusing on the entertainment.And that’s what I’ve been doing my whole career,” bulalas niya.

Sobra ring nag-alala ang magaling na aktor nang mabalitaan niyang naaksidente sa Thailand ang dyowang si AC Bonifacio.

Nagbigay din siya ng update hinggil sa motor accident ng girlfriend.

“She’s recovering right now.She was in an accident.She’s doing good.I’m with her almost every day. But right now, she’s good.She’s safe,” hirit niya. “At first, I was very worried. Obviously, she’s filming a movie at the time.A lot of things started popping in my head. But she’s okay right now. At least walang tama sa loob.Yung importante sa lahat,”pahabol niya.

Ibinida rin niya na going strong ang kanilang relasyon ni AC bilang magdyowa.

Aware rin siya na madalas ay naba-bash si AC lalo na noong panahon na nasa loob ito ng Bahay ni Kuya kaya siya raw ay isa sa tagapagtanggol ng singer-dancer.

“If someone you love was getting pushed around by random strangers,would you not help them?Yeah.Yes, I will,”pagtatapos niya.

Si Harvey ay nakilala sa teen series na “Zoomers” kung saan nakasama niya si Criza Ta-a.

Kasama rin siya sa cast ng bagong seryeng “Roja” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri.