Advertisers

Advertisers

Gerald at Julia hindi nagkabalikan

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SO, wala palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia Barretto?

Sa panayam namin kay Gerald, sa mediacon ng pelikulang Rekonek, na pinagbibidahan niya, ay inamin niya na single pa rin siya,at hindi sila nagkabalikan ni Julia.

Lumutang kasi ang tsikang nagkabalikan ang dalawa nu’ng nakitang magkasama sila sa unang gabi ng burol ng tiyuhin ni Julia si Mito Barretto dalawang buwan na ngayon ang nakararaan.

Sabi ni Gerald,”Single po talaga ako ngayon. Maraming balita na I think responsibilidad ng publiko na alamin o kung ano ‘yung fake news at kung ano ang totoong news, hindi lang po sa industriya ng showbiz kundi sa lahat.

“Mag-ingat po kayo sa fake news at responsibilidad ninyo rin po ‘yan (alamin ang totoo bago ibalita),”

Samantala, sa pelikulang Rekonek, na isa sa entry sa MMFF 2025,ay isa si Gerald sa mga producer nito. Sa tanong sa aktor kung ano ang mga challenges na kinaharap niya sa pagiging frist time producer, ang sagot niya,”Maraming challenges, finance, schedule ng mga artista mismo,MMFF, kung makakapasok kami. I think, out of 50,walo lang ang pipiliin.

“Nung na-announce kami, isang malaking blessing na ‘yun, isang malaking opportunity.

Tungkol naman sa pagpayag niya na makipag-co-produce sa Rekonek, ang paliwanag niya.

“Bakit ko tinanggap? Kasi naniniwala po ako sa proyekto.

“Ang pinakaimportante sa akin is yung istorya. You can have a beautiful cast,pero kung hindi Maganda yung istorya mo,hindi malinaw, hindi Talaga magwo-work.

“So, yun ang no. 1 priority para sa akin.”

Bukod kay Gerald, kasama rin sa cast sina Gloria Diaz, ang Legaspi family na sina Zoren, Carmina, Cassy at Mavy, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Kokoy de Santos, at marami pang iba.

Showing na ang pelikula sa December 25. Mula ito sa direksyon ni Jade Castro.