Advertisers

Advertisers

Kim Chiu ‘di pinalampas ginawa ng ate!

0 12

Advertisers

Nagsampa na ng kasong qualified theft si Kim Chiu noong Lunes, Disyembre 2, 2025, sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa kanyang nakatatandang kapatid na si Lakambini Chiu kaugnay sa nadiskubre umano niyang “financial discrepancies” sa ilang business assets na nakapangalan sa kanya.

Sinamahan si Kim ng isa pa niyang kapatid na si Twinkle at suportado rin ang aktres ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Aniya, may mga transaksyong hindi tugma sa official records na kinasasangkutan ng kanyang kapatid.

Aminado naman ito na mabigat sa kanya ang naging desisyon dahil pamilya niya ang involve pero kailangan umano niya itong gawin para sa negosyo at sa mga empleyado na umaasa rito.

Robin Padilla kay Aljur: Dapat magsikap, lumalaki na ang responsibilidad
Hiningan ng reaksyon si Robin Padilla sa inamin ni AJ Raval na may tatlo na silang anak ni Aljur Abrenica. Si Aljur ay ex husband ng anak ni Robin na si Kylie Padilla.

Ani Robin, hindi siya nakikialam sa personal na desisyon ng anak na si Kylie dahil independent na ito noon pa man. Bilang tatay, pinaalalahanan umano niya ang anak na alagaan nito ang kalusugan kahit abala sa trabaho at bilang ina.

Nakikita naman daw niya na maayos ang co-parenting arrangement ng dating mag-asawa.

Payo lang nito kay Aljur, magsikap lalo dahil lumalaki na ang responsibilidad nito bilang ama.

Ate Gay nagkakumplikasyon ang chemotherapy
Muling isinugod sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ang komedyanteng si Ate Gay nang makaranas ng kumplikasyon, isang buwan matapos niyang makumpleto ang chemotherapy at radiation laban sa mucoepidermoid carcinoma.

Ayon kay Ate Gay, bigla siyang nakaramdam ng matinding epekto kung saan napuno ng singaw ang kanyang bibig kaya hirap siyang makakain. Dalawang araw umano siyang nakaasa sa intravenous feeding habang hindi pa siya makalunok nang maayos.

Matatandaang inamin ni Ate Gay ang kanyang cancer diagnosis noong Setyembre 2025 at agad na nagpagamot. Bumuhos naman ang suporta sa kanya ng mga kaibigan sa showbiz kabilang ang tulong pinansyal mula sa isang anonymous donor.

Nananatiling positibo si Ate Gay at nagpapasalamat sa mga taong patuloy na ipinagdarasal ang kanyang mabilisang recovery.