Advertisers

Advertisers

P5.4m shabu nasamsam bubong ng bahay sa Cavite

0 19

Advertisers

Nasamsam ng General Trias Component City Police Station ang nasa mahigit P5.4 milyon halaga ng shabu sa Brgy. Pasong Kawayan 2 nuon Martes December 2, 2025.



Ayon sa report na ipinadala ni General Trias Component City Police Station Chief Lt.Colonel Bismark S, Mendoza, sa opisina ni Calabarzon Police Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, nadiskubre ang mga iligal na droga nang ipagbigay alam ng isang concerned citizen ang kahina-hinalang kahon na iniwan umano sa bubong ng kanilang bahay nang makarinig ng malakas na ingay at makakita umano ng isang batang babae sa labas ng bintana ng kanilang master’s bedroom bago tumakas at dumaan sa kanilang pintuan.

Narekober ng mga awtoridad ang laman ng kahon na walong medium plastic bags at dalawang sachet na naglalalaman ng white crystaline substances na may kabuuang timbang na 799.93 gramo at may kabuoang halagang P5,439,524.00 ang standard drug price.

Ipinadala na sa PNP Forensic Laboratory ang mga droga para sa pagsusuri at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang mga responsable at nasa likod ng insidente ng pag iwan sa nasabing iligal na droga.(Koi Laura)