Advertisers
Kinukuwestiyon ngayon ng ilang grupo ang umano’y masalimuot na appointment ni incumbent Parañaque City Office of the Building Official (OBO) head,Engr. Diamela M.Apolinario.
Ayon sa source, nagawang makuha ni Engr. Apolinario ang posisyon bilang pinuno ng Parañaque Office of the Building Official (OBO) noong Marso 1, 2021 sa bisa lamang ng isang council resolution na inendorso nang noon ay chairperson ng Parañaque City Council Committee on Appointments, former Councilor Bong Benson ng District 2.
Hindi umano nasunod ang requirement sa pagkuha ng kinakailangang clearances at confirmation mula sa Civil Service Commission (CSC) bilang bahagi ng prerequisite para maitalagang pinuno ng OBO itong si Apolinario.
Nabatid na kaya hindi nakapagsumite ng kaukulang clearances at confirmation si Engr.Apolinario ay dahil na rin umano sa mga pending nitong administrative cases sa CSC.
Nabatid mula sa source, na- involved din umano si Apolinario at lima (5) pang opisyal ng Paranañaque OBO ng taong 2023 habang Ito na ang namumuno sa nasabing tanggapan nang madiskubre ng Commission On Audit (COA) ang paggamit ng Parañaque LGU ng mga pekeng resibo sa payments para sa mga building permits.
Sa halip kasing mga resibo na direktang galing sa Treasurer’s Office ang iniisyung resibo para sa payments sa mga building permits,resibo para sa police clearances ang ginami at iniisyu sa mga aplikante
Hindi malinaw kung anong aksyon ang ginawa ni Mayor Edwin Olivarez kung meron man, sa mga nadiskubreng kalokohang ito ng COA laban sa Parañaque OBO at Treasurer’s Office na pinamumunuan naman ni City Treasurer Anthony Pulmano.
Samantala, maugong din ang balita na naglobby umano ng si Apolinario para sa isang di pinangalanang konsehal at isang mataas na opisyal ng Paranaque City hall upang tuluyang nang mapagtibay ang City Council Resolution na nag- eendorso kay Engr. Apolinario bilang head ng Office of Building Official (OBO).
Maliban dito,nabatid pa mula sa source na lumobo umano ng umaabot sa Php 80 million pesos ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) nitong si Engr. Apolinario mag mula 2021 nang maupong head ito ng OBO hanggang sa kasalukuyan.
Sinikap nating kunin ang panig ni Engr. Apolinario patungkol sa isyung ito Martes ng buong ngunit hindi tayo napag- unlakan ng pagkakataon maka- ugnayan si Engr.
Rest assured na gagawin natin ang lahat sa paghalukay sa isyung ito ng “fair and square” at kunin ang bawat panig ng isyu.
May impormasyon kasi tayong natanggap patungkol sa ilang buildings sa lungsod ng Paranaque na inabandona ng POGO operators at klung ano nga ba ang status nito sa kasalukuyan.
Na- forfeit nga ba ang mga ito in favor of Parañaque LGU o napunta sa ilang enterprising indibidwal na nasa poder?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com