Advertisers
NADAKIP sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad ang dalawang lalaki, na sangkot sa kaso ng pamamaril sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Dur. Bgen. Ponce Rogelio I Peñones Jr. kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas JM, 36, construction worker; at alyas Leo, 21-anyos, pintor, kapwa residente ng Pandi Residence 1 Brgy, Mapulang Lupa; habang nakaligtas sa pamamaril ang biktimang si alyas Joey, 20-anyos,na kasalukuyang nasa pagamutan.
Base sa paunang imbestigasyon 12: 30 ng madaling-araw nf Disyembre 3 ng maaresto ang mga suspek sa kasong frustrated homicide at paglabag sa RA 10591 at paglabag sa RA 9165.
Kagunay nito’y inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo ng tangkang pagpatay sa biktima.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Cal.45 at dalawanf plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Pandi Municipal jail.(Thony D. Arcenal)