Advertisers
“KINARGA daw ni ES Ralph Recto ang P60B ng PhilHealth papuntang flood control.”
Saan galing ‘yang tsismis na ‘yan?
Hindi DOF ang gumagawa ng flood control. Ni hindi sila nagtatayo ng kanal. Ang hawak ng DOF: pera ng bansa, revenue, utang, at cash operations. DPWH ang gumagawa ng flood control, at DBM ang naglalabas ng budget. Kaya hindi puwedeng ibato ang bola sa DOF—wala sila diyan.
‘Yung P60B ng PhilHealth? Legal na utos ng Kongreso. Nasa GAA mismo.
Hindi ito milagro, hindi magic, hindi under-the-table.
At hindi rin napunta sa flood control.
Napunta sa health programs, kasama na ang higit P27B na dapat noon pang COVID days natanggap ng health workers.
Kung walang remittance, walang pambayad sa kanila. Simple.
Ngayon, sinasabing may “technical malversation”?
E ginagawa lang ng DOF ang nakasulat sa batas. Kung may mali sa batas, ang may sala ang gumawa nito—ang Kongreso, hindi ang nag-implementa.
At eto pa: sa 2026 budget, ibinalik mismo ng Kongreso ang P60B. Mas malaki pa ang pondo ng PhilHealth ngayon. Saan banda dito ang “nina-knock-out” ang PhilHealth?
Kaya bakit pilit pinalalaki ang kwento?
Bakit ginagawang iskandalo ang isang bagay na malinaw sa batas? Bakit inuuna ang ingay kaysa katotohanan?
Kung naghahanap sila ng “scandal,” wag nilang idikit sa DOF. Dahil ang totoong nangyari dito? Pera para sa tao, hindi para sa baha.