Advertisers

Advertisers

Love Kryzl paborito sina Taylor Swift, Black Pink, Kaytseye at BINI

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG latest single ng CEO at Presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl ay may pamagat na “Kayong Dalawa Lang” na siya rin mismo ang nag-compose. Dedicated niya ang song, and at the same time ay congratulatory gift niya para sa upcoming wedding nina Kiray Celis at Stephan Estopia

Ikinukuwento ng kanta ang isang tunay na kwento ng pag-ibig, kasiyahan, at ang mga karaniwang pagsubok na pinagdaraanan ng mga magkasintahan bago ikasal—na nagpapaalala na ang pag-ibig ay laging nagwawagi kapag pinipili ang isa’t isa araw-araw.

Ang “Kayong Dalawa Lang” ay simple ngunit may malalim na kahulugan: kapag paulit-ulit mong pinipili ang iyong kapareha, hindi imposible ang “forever.” Ang anumang relasyon ay malalampasan ang lahat basta’t pinipili ninyong manatili sa isa’t isa.

Ang kanta at music video ay prinodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies.

Close si Love Kryzl kina Kiray at Stephan kaya naman may partisipasyon siya, bilang little bride, sa magaganap na kasal ng mga ito ngayong December.

Sa naganap na mediacon para sa kanta niyang Kayong Dalawa, tinanong si Love Kryzl kung kamusta ang experience niya nu’ng ginawa niya ang music video. Ang sagot niya,”It’s a bit tiring, but it’s fun.

“And I enjoyed the place,Las Casas. There’s so many historical place there,’’

Dahil isang singer si Love Kryzl, tinanong suya kung sino ang mga paborito niyang singers.

“Taylor Swift,Blank Pink,”sagot niya

Sa local naman ay ang P-pop group na BINI at Katseye ang paborito niya.