Mga special kids o may down syndrome ang mga bida! Slyvia Sanchez At Nathan Studios Never Natakot Na I-Produce Ang MMFF 2025 Entry Movie Na “I’M PERFECT”
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Napakamahalaga o espesyal para sa award-winning actress & film producer na si Sylvia Sanchez, ang pelikula nilang “I’mPerfect” na kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival. At walang halong exaggeration, sa aming pagkakaalam sa history ng pelikulang lokal, ay tanging ang Nathan Studios lang nakagawa ng isang full-lenght movie, na tumatalakay sa istorya ng mga may Down Syndrome. At pagbibidahan ito ng unang tambalan nina Krystel Go at Earl Amaba na mula sa script at direction ng award winning na si Direk Sigrid Andrea Bernardo. Samantala, narito ang madamdaming interview ni MJ Marfori ng TV 5 kay Sylvia. Kung saan inilahad at kinwento ng actress kung paano nila nabuo sa Nathan Studios ng mga anak(Cong. Arjo and Ria Atayde) ang film obra nilang ito na parte rin ang mga naglalakihang artista gaya nina: Lorna Tolentino, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, Zaijan Jaranilla at marami pang iba.
“Kasi nu’ng itinayo itong production ng Nathan. Noong mag-meeting, kami ng mga anak ko, isa talaga ang gusto namin. Gusto naming makagawa ng mga pelikula, na makikipag-educate, sa lahat natin na about down syndrome, na alam mong adbokasiya.
“So, gusto naming gumawa ng mga pelikula, na nagagawa din naman ng iba. Like pero ganito, gusto naming gumawa ng pelikula, na sila mismo mga batang with may down syndrome, ang mismong gaganap.
“Ang bestfriend ko talaga down syndrome. Then ang meron akong pamangkin na down syndrome, meron akong pamangkin na cerebral palsy. So sabi ko isang araw gagawa ako ng pelikula, para sa kanila, kailangan silang ipagmalaki sa mundo sa galing na kaya nila,” sunod-sunod pang pahayag ni Sylvia kay MJ, at dagdag pa nito,
“Honestly, hindi lang nadya-dyaryo. Hindi lang nalalaman ‘yung lahat but, mga bata pa mga anak ko 9 yrs old si Arjo, si Ria 7 yrs old dinadala ko na yan sa Mindanao. Train sila du’n Du’n sila namimigay ng mga kung ano-anong mga tulong, na hindi kailangang ipa-diyaryo.
“Eto ‘yung mga adbokasiya ng mga anak ko, ng pamilya na hindi niyo alam kasi hindi namin pinapa-diyaryo. Bakit kailangan ipa-diyaryo, kasi once na tumulong ka, hindi mo kailangan ipagmalaki. Ang tulong, ay hindi dapat na ipinagsasabi, para yun sa amin.
“So ‘yung mga kaibigan ko na mga special kids nu’ng bata pa ako elementary, high school naging barkada namin. Then nagkaroon nga ako ng pamilya, na mga pamangkin na special din down syndrome at celebral palsy. At hanggang ngayon may alaga kami sa bahay sa Mindanao.
“When in fact, ang HQ po ni Cong. Arjo po ang tagalinis po du’n at nandu’n sa tabi niya, lagi ay down syndrome, ‘yun po ang Hindi niyo alam. Kaya ginawa ito. Actually, gusto ko pong sabihin hindi niyo nakikita pero ang totoo po, ito po ang tunay na puso ng mga Atayde.
“Sinasabi ko, I want them, to be seen. Alam mo yun, kailangan na nilang makita nating lahat, kung ano ang kaya nila. Kasi sanay lang tayong hinuhusgahan sila, yung kapasidad nila, minamaliit natin. Gusto kong ipakita sa tao, na kung anong kaya nila, like kung acting kaya natin, kaya din yan at totoo lang, panoorin niyo na lang po kung ano ang kaya ng mga batang may down syndrome. At totoo lang, panoorin niyo, na lang po sa December 25, ang I’MPERFECT.
At sa tanong na nu’ng ginawa nila ang movie, ano ang pinakang-takot ni Sylvia? Narito ang naging tugon ng actress,
“Wala akong takot, sa kanila dahil expose ako sa mga kids with down syndrome, alam kung kaya nila.” Very sincere pang sabi ni Sanchez.