Advertisers

Advertisers

San Pablo City mayor, vice nagtalo sa ‘Noche Buena’

0 56

Advertisers

NAGDULOT ng pagtatalo sa pagitan nina Mayor Arcadio Gapangada, Jr. at Vice Mayor Justin Colago ang pamamahagi ng mga Noche Buena package para sa mga pamilya sa San Pablo City, Laguna.



Sa ulat, unang inihayag ni Gapangada na hindi inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang hiling nitong P45 milyon pondo para sa mga Christmas package.

Tanging P14.9 milyon lamang aniya ang pinayagan ng konseho, at iginiit ng alkalde na hindi ito sasapat para sa 84,000 pamilya sa lungsod.

Paliwanag ni Colago, ang P14.9m na inaprubahan ang legal na maaaring kunin mula sa general fund.

Ang natitirang mahigit P30m mula sa Gender and Development (GAD) Program ay hindi maaaring gamitin para sa mga Christmas gift dahil may partikular itong guidelines.

Iginiit ni Gapangada na pinayagan na ng GAD ang paggamit ng pondo at pinaniniwalaan niyang politikal ang motibo ng pagtutol ng konseho.

Nguni’t mariing itinanggi ni Colago ang alegasyon, na aniya, sumusunod lamang sila sa rule of law.