Advertisers

Advertisers

Tama ang pagbalik ng unused funds

0 33

Advertisers

NAGING mabilis ang pag-usbong ng kung ano-anong speculation nang mabalitaan ang paglipat ng unutilized funds ng PhilHealth sa National Treasury.

Ngunit taliwas sa pangamba ng ilan, ang hakbang na ito ay hindi pagkitil sa benepisyong natatanggap ng mga miyembro. Ito ay isang legal at kinakailangang proseso upang mas mapakinabangan ang salapi ng bayan.

Hindi lamang PhilHealth ang inatasan gumawa nito. Maging iba pang GOCCs, kasama ang PDIC, ay kailangang isauli ang mga pondong hindi nagamit. Mahalaga ring liwanagin na hindi ginalaw ang kontribusyon ng mga miyembro. Ang tinutukoy dito ay government subsidies — pondong may malinaw na mandato sa ilalim ng GAA 2024. Mismo!

Habang may mga ahensyang may malaking idle funds, naroon ang milyun-milyong Pilipinong nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan at imprastraktura. Hindi dapat natutulog ang pondong kayang magpagalaw ng bansa. Dapat!

Sa kabila nito, nanatili namang matatag ang PhilHealth. Ang kanilang P500 billion na pondo ang nagbigay daan sa paglawak ng mga benepisyo. Dumoble ang benepisyo para sa biktima ng stroke at pneumonia. Yung breast cancer coverage nila naging P1.4 milyon mula P100,000. Ang generic medicines na covered, mula 21, naging 53. At meron pang ‘Zero Balance Billing’ para siguradong walang pasyenteng uuwi nang may baong utang.

Kaya’t noong mag-desisyon ang pamahalaan na ibalik ang ?60B sa PhilHealth para sa 2026, ito ay matapos ang masusing pagsusuri sa performance ng ahensya. Napatunayan na kaya nilang hawakan ang pondo nang tama.

Kung may ahensyang may sobrang pondo, gamitin ito sa mga programang pakikinabangan ng mas marami sa ating mga kababayan. Kung may ahensya namang mahusay ang performance, dapat suportahan ito ng pamahalaan para lalo pang gumanda ang serbisyo.

***

INISNAB ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte ang patawag ng Independent Commission for Infrastructures (ICI) para sana makuha ang kaniyang panig sa akusasyon laban sa anak na ito ni ex-President Digong.

Katuwiran ni Pulong, ang executive-apointed body (ICI) ay walang jurisdiction sa kanya bilang miembro ng Legislative branch.

Ikinatuwiran din niyang hindi pa siya miembro ng House Appropriations Commitee mula 2019 hanggang 2022. Kaya incompetent daw siya para sagutin ang Komisyon hinggil sa multi-billion flood control anomalies.

Si Pulong ay kumpirmadong nakakuha ng P51 billion ‘pork barrel’ sa kanyang unang termino bilang kinatawan ng 1st District ng Davao City. Nangyari ito sa huling termino ng kanyang ama, Digong, bilang Pangulo ng bansa.

Pinakamalaki ito sa kasaysayan ng pork barrel na ang isang kongresista ay nakakuha ng P51 billion sa isang termino lang. Lupet ni Pulong, noh?

Kung wala ngang power ang ICI, tulad ng sinabing ito ni Pulong, para ipatawag ang sinomang miembro ng House at Senado, aba’y bakit sumipot sa mga patawag ng ICI ang ilang kongresista at senador na inaakusahang kumana ng milyones na “kickback” sa flood control projects?

Kapag ang isyung ito ay nakarating sa Korte Suprema, at nagdesisyon ang kataas-taasang hukuman na tama si Pulong, mawawalan ng saysay ang pagkabuo sa ICI. Goodbye ang investigation sa multi-billion flood control scandal.

Matatandaang ilang kongresista at senador ang pinangalanan ng DPWH officials na nanghingi ng kickback na hanggang 30 percent sa kanilang mga ibinabang proyekto sa ahensiya. Ilan sa kanila ang nagpaliwanag na sa ICI. Si Pulong lang ang tumanggi magpaimbestiga o magpaliwanag. Ano kaya ang magiging hakbang dito ng ICI? Subaybabyan!