Advertisers

Advertisers

COL. CORNELIO TADENA, BAGONG PNP PROVINCIAL DIRECTOR NG MARINDUQUE

0 54

Advertisers

Pinangunahan ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pamumuno ni Regional Director PBGEN JOVENCIO S BADUA JR, ang Turnover of Office Ceremony sa pagitan ni PCOL ARTHUR A SALIDA, outgoing PD, at PCOL CORNELIO C TADENA, JR, incoming PD, tanda ng pagbabago sa pamunuan ng Marinduque Police Provincial Office. Ang kaganapan ay ginanap noong Disyembre 4, 2025, sa Hinirang Hall, Camp BGen Efigenio C Navarro, Brgy. Suqui, Calapan City, Oriental Mindoro.



Sa mensaheng ipinaabot ni PBGEN MELECIO M BUSLIG, JR, Acting Deputy Regional Director for Administration, ipinaabot ni PBGEN BADUA ang kanyang pagpapahalaga sa dedikadong serbisyo ng PCOL SALIDA at malugod na tinanggap si PCOL TADENA bilang opisyal niyang pamumuno sa Marinduque PPO.

“Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat kay PCOL SALIDA para sa isang mahusay na trabaho sa pamamahala ng Marinduque PPO tungo sa mga kahanga-hangang tagumpay sa pagpapatupad ng batas. Malugod din naming tinatanggap si PCOL TADENA sa kanyang pagsisimula sa bagong kabanata ng serbisyo bilang Provincial Director,” ani PBGEN BADUA.



Nawa’y ang inyong pamunuan ay patuloy na magdala ng makabuluhang mga tagumpay at mapanatili ang aming pangako sa pagtiyak na ang mga mamamayan ng Marinduque ay makakaranas ng mabilis, tapat, at tunay na nararamdaman,” dagdag pa niya.

Bago ang kanyang bagong tungkulin, si PCOL CORNELIO C TADENA JR, ay nagsilbi bilang Hepe ng RIDMD, PRO MIMAROPA, at bilang City Director ng Puerto Princesa City Police Office. Samantala, gagampanan ni PCOL ARTHUR A SALIDA ang kanyang bagong tungkulin bilang Chief of Regional Staff ng PRO MIMAROPA. (RONALD BULA)