Advertisers
Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Chinese contractor na tumapos sa Bucana Bridge sa Davao dahil sa aniya’y mataas na antas ng teknolohiya at kahusayang nagpatulin sa konstruksyon ng proyekto.
Ayon sa Pangulo, maganda ang teknolohiya ng mga Tsino kaya napakabilis at mahusay ang paggawa ng tulay at iba pang imprastruktura sa tamang presyo at kalidad.
Ang proyekto aniya ay pinondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) mula sa China.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa DPWH at sa lahat ng manggagawa na nag-ambag sa tagumpay ng konstruksyon.
Ayon sa Malakanyang, ang naturang tulay ay hindi lamang magpapabilis sa biyahe kundi magpapasigla rin sa ekonomiya ng rehiyon at lilikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Davaoeño. (Gilbert Perdez)