Advertisers

Advertisers

SARI-SARING SOLUSYON

0 9

Advertisers

MAY nagtanong sa akin sa isang harapan “ano raw ang pinagkapareho ng sperm o’ semilya at pulitiko?

Nabahala ako, at nagulantang, di agad nakapag-isip ng isasagot. Kaya tanong na lang din ang sinagot ko sa nagtanong. Ano?

“Sagot: Pareho silang may 1 in a million chance na maging totoong TAO…” ang kasagutan ko na natanggap.

May katwiran nga. Kasi ang panahon ngayon, ibang-iba na ang pulitiko. Noong araw, sabi ng mga matatanda, ang mga pulitiko ay totoong tao, walang ibang iniiisip kung di mapaunlad ang bawat kababayan at ang bansa.

Ngayon kasi sila at ang kanilang mga pamilya ang inuunang paunlarin, maswerte pa nga, kung may maititira pa sa kanilang mga kababayan.

Naisipan ko tuloy bumawi sa nagtanong sa akin, pero di patanong, kung di suhestiyon, kung ano ang magandang solusyon sa problema ng bansa natin sa ngayon, na puro korupsiyon.

Ito ang solusyon kong naishare sa tropa kong naisahan ako, – “pagnagtapon ka ng basura sa karagatan, ang tawag ay pollution. Kapag tinapon mo ang politiko sa karagatan ang tawag dun ay solusyon.”

Di ba maganda rin solusyon yan. Kung di natin sila kayang ikulong eh di itapon na lang natin.