Advertisers

Advertisers

ANGEL INAABANGAN ANG PAGBABALIK SA LIMELIGHT

0 73

Advertisers

Ni Beth Gelena

May kuhang larawan sina Angel Locsin at Sir Carlo Katigbak kung saan nakabackground ang logo ng ABS-CBN.

Isa umanong spektacular comeback ang ipinangako ng Kapamilya network sa aktres.

Matapos ang ilang taon ng pagkawala, ang iconic na si Angel, ay emosyonal sa kanyang pagbabalik sa limelight.

Super excited na ang fans ng aktres na makita ang kanilang idolo, pagpapatunay na hindi nababawasan ang kanyang star power!

Ani ng mga tagahanga ng aktres: “wow makikita ko na ulit si idol sana ma gquest ka sa batang quiapo”

“Great welcome back happy to see you again in ABS CBN”

“Wow salamat makikita ko na nman ang idol ko abangan ko mga gagawin mong teleserye sa abs cbn”

“welcome back my star power”

“..looking forward to see you at teleserye,magaling na at super bait pa”

Uhmmm… sana nga ay tuluyan nang bumalik ang nag-iisang Angel Locsin.

Sabik na ang kanyang mga tagahanga na muli siyang mapanood sa malaki o maliit na screen.

***

RONNIE PINURI NG NETIZENS SA PAGMAMAHAL KAY LOISA

Sadyang mahal na mahal ni Ronnie Alonte ang 9 years girlfriend na si Loisa Andalio na ngayon ay kanya nang misis.

Wika niya, “Hindi ako sanay na wala siya… Marami pa kaming pagdadaanan, at handa ako ro’n. Nasanay na akong nagbibigay kay Loisa—lahat-lahat. Wala na akong tinira para sa sarili ko. Kahit wala nang mapunta sa akin, basta maibigay ko yung pagmamahal na gusto niya. Huwag lang niya akong iwan, gagawin ko.”

Hindi ko siya pinakasalan dahil buntis siya, I marry her because I love her so much!”

Maybe it’s just me, but there’s something raw and real about a man admitting this kind of vulnerability.

“We live in a world where people choose pride, distance, and “bahala na.”

Where relationships end because no one wants to try anymore.

“But hearing this made me remember something important:

love is a risk… and you feel it most when you’re willing to give your whole heart.

“It’s scary to love someone this deeply.

It’s scary to care to the point na kaya mong ibigay lahat basta hindi ka iiwan.

But at the same time, it’s beautiful — because not everyone gets to love like this.

“Not because it’s perfect, but because it’s honest.

Because it reminds me that real relationships aren’t measured by who gives less or who cares less…

but by two people choosing each other even when it’s hard.

“At the end of the day, that’s the kind of love I hope we all find:

the kind that’s brave, willing, and all-in — without holding back.”

Komento ng netizens: “Alagang “Ronie”yan saludo ako sa iyo Ronie dahil sa salitang dmo pinakasalan c “Loisa”dahil buntis kundi pinakasalan mo cya kasi mahal mo continue your journey as a couple”

“GOD BLESS YOU BOTH..BE CONTENTED W EACH OTHER NO ONE IS PERFECT..HUWAG GAGAYA SA IBA..MGA INSECURE LANG YUNG GUSTO NG MADAMING BABAE..FEELING NILA YAN ANG SOLUTION..HANAP NG HANAP BUT AFTER ALL MAUUWI LANG SA KARMA..TATANDA DIN SILA..BASTA LOVE UNDERSTAND EACH OTHER ALWAYS NO MATTER WAT..”

“May forever yun this is the kind of love I want yung kahit mahirap na pero andun pa din kayo magkasama na lumalaban at pinipili ang isat isa araw araw. Walang perpektong relasyon at di nio alam mangyayari sa kinabukasan pero magkasama pa din kayo sa hirap at ginhawa.”

“That’s true love. You’re nit scared to give your whole basta masaya ang partner mo. At hindi mo rin mafeel na kulang ka. It’s rare and scary but also feels good. Cause seeing your love one happy makes you more happier.”

“The best ka Ronnie iyan ang mga hinahanap ng mga girl na bukal talaga ang pag mamahal at lagi kang nandyan.. sana all..”

***

ANNE NIREPOST ANG REELS NI AKBAYAN PARTY LIST CHEL DIOKNO

Nirepost ni Anne Curtis ang reels ni Chel Diokno’s justice and accountability.

Ibinahagi ni Akbayan party-list Rep. Chel ang tungkol sa pananagutan ng gobyerno.

Ang video ay nagpapakita na nagbibigay-diin sa isang punto, na may naka-bold na teksto at nagtatanong sa pagkaantala hinggil sa katiwalian.

Ang post ng Akbayan Partylist ay ang pagkadismaya ng publiko sa mabagal na pag-unlad sa mga high-profile na pagsisiyasat, kabilang ang mga isyu sa proyekto sa pagkontrol sa baha.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng reel sa milyun-milyong followers, tumulong si Anne na palakasin ang pag-uusap bilang transparency at katarungan.

Nakatawag pansin ang aktres sa online matapos i-repost ang reel na orihinal na ibinahagi ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno, kung saan muling ibinangon ng mambabatas ang isyu ng pananagutan sa gobyerno.

Ang nakalagay sa video, “December na… may magpapasko na ba sa kulungan?”

Ang original na caption sa IG ni Diokno, “Anuna? Mga big fish, wala pa rin?!”

Ang desisyon ni Anne na ibahagi ang reel ay nagdagdag ng isa pang layer sa lumalaking online pressure para sa transparency at hustisya.