Advertisers

Advertisers

Will hindi nakikipagkumpentensiya kay Dustin

0 84

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Madalas na pinagsasabong ang dating PBB housemates na sina Will Ashley at Dustin Yu.

Katunayan, may sarili-sariling fanbase bilang love team partner ng isang Kapamilya star.

Kamakailan, sold out din ang naging concert niya samantalang almost sold out na rin ang gaganaping concert ni Dustin.

“Hindi ko po siya nakikita as pinagsasabong kami, eh.Kasi pareho naman po ni Dustin na may kanya- kanyang talents,may kanya-kanyang skills.I think kung anuman po iyong na-achieve ko o na-achieve niya, pareho naming sinuportahahan ang isa’t-isa,” bulalas niya.

Bagamat parehong may entries, hindi rin daw niya masasabing magiging karibal niya ang dating PBB housemate sa awards sa 2025 MMFF.

” Di ko po alam kung magiging contender or what eh, ” pakli niya.

Kung dati-rati ay support lang siya, ngayon naman ay tinitingnan na siya bilang isa sa mga bida na nagdadala ng pelikula.

“Actually, sobrang nakaka-shock pa rin po talaga yung mga pangyayari.Kasi sobrang biglaan po eh.Nagulat lang din po ako na paglabas ko, Wow. Ganoon na yung naging takbo ng karera ko,” aniya. “But at the same time, kapag binabalikan po naman po yung mga araw,mga taon na ginugol ko para sa pagtupad ko nga ng pangarap ko,masasabi ko naman pong worth it naman talaga siya.And nakakatuwa po kasi yung mga pangarap ko lang dati,unti-unti na pong natutupad ngayon,”dugtong niya.

Base naman sa trailer ng kanyang pelikulang” Bar Boys After School:The Orientation, marami ang nakapansin na mas lumalim ang kanyang acting.

“Actually, yun nga po yung pinag-usapan namin ni Direk Kip(Oebanda) noong paglabas ko ng bahay.Kasi after po yung big night namin, 3 or 4 days, nagshoot na po agad kami dito for” Bar Boys.”Noong nag-workshop po kami, lagi sinasabi sa akin ni Direk Kip na parang lumalim na daw po iyong range ko. Feeling ko rin po kasi, ang tagal ko rin po nakulong dun sa bahay ni Kuya.At ang dami ko rin po mga realization.Ang dami ko na-improve sa sarili ko.Ang dami kong toxic traits na nabitawan, na-improve.Malaki ang naitulong ng experience dun sa loob ng Bahay ni Kuya, “paliwanag niya.

Dahil ito ang first MMFF niya, bet din daw niyang maglagare sa dalawang floats na sasakyan kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Sa Bar Boys After School:The Orientation, ginagampanan ni Will ang papel ni Arvin Asuncion, isang working student na pangarap na maging abogado para masuportahan ang kanyang inang nagtatrabaho bilang OFW.

Tampok din sa pelikula sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Bryce Eusebio, at Ms. Odette Khan.

Mula sa produksyon ng 901 Studios nina Leo Liban, Jon Galvez at Carlos Ortiz at sa direksyon ni Kip Oebanda, ang bar-kadang pelikula ng taon ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.