Advertisers
NASAWI ang isang dating barangay kagawad nang barilin ng riding-in-tandem at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P500,000.
Kinilala ang nasawi na si Mark Herman Tañga, dating barangay kagawad ng San Pedro, Pateros.
Makikita sa CCTV na sinundan si Tañga ng riding in tandem sa Barangay Ususan, Taguig.
Kinuha ng isa sa mga salarin ang bag at pinagbabaril si Tañga at mabilis na tumakas. Nakuha rin ang kanyang motorsiklo nguni’t iniwan din malapit sa crime scene.
Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo, at tinitingnan ang pagnanakaw bilang posibleng dahilan.
Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng P300,000 reward sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikahuhuli ng mga salarin.
Kilalang aktibo sa komunidad si Tañga, nagbabayad ng personal para sa mga gastusin ng barangay at liga.