Advertisers

Advertisers

Ex-worker tinangay brand new SUV sa auto shop

0 147

Advertisers

MISTULANG nakapanood ng aksyon sa pelikula ang mga residente sa General Santos City nitong Biyernes nang magkahabulan ang carnapper at mga awtoridad, at sa bandang huli ay naaresto ang salarin habang wasak ang mga salamin ng tinangay na sasakyan.



Makikita sa video na pinost ng netizen na malaki ang naging sira ng 2015 Nissan Patrol na ninakaw mula sa isang auto shop, kungsaan ang carnapper, Jimar Taburnal, ay dating nagtatrabaho.

Sinubukan ni Taburnal na itakas ang sasakyan pero naaksidente ito, nasagi ang isang pedestrian na kaagad namang dinala sa pagamutan.



Kusang huminto ang SUV sa gitna ng kalsada, naubusan siguro ng gas, kaya naabutan siya ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nakakulong si Taburnal sa GenSan Police.