Advertisers

Advertisers

MATINDING DAGOK

0 81

Advertisers

MALAKI ang posibilidad na bumaba ang arrest warrant bago ang ika-15 ng Disyembre kina Tricky Tsis, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at Mark Villar, Bong Revilla, at Nancy Binay. Bababa rin ang arrest warrant ni Zaldy Co, mga Discaya, ilang kongresista, at opisyales ng DPWH. Ito ang pangako ni Ombudsman Boying Remulla.

Mukhang magkatotoo ito. Matinding dagok ito sa mga mandarambong sa kaban ng bayan.

Ayon kay Remulla, mauuna ang dalawa o tatlong senador. Hindi nila kinilala kung sino sila pero may hinala na pangunahin si Tricky Tsis, Joel, at Jinggoy na pawang itinuro ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap ng daang milyong piso bilang kanilang bahagi sa bilyon-bilyong piso flood control scam. Si Bernado ang state witness na kumanta sa mga tiwaling senador at dating senador.

Pinakamatabang isda si Tricky Tsis sa pangkat ng mga tiwaling senador at mambabatas na nakatakdang arestuhin. Dati siyang puno ng Senado at tahasan ginamit ang poder ng Senate President upang isingit ang mga panukalang proyekto na hindi nagkatotoo pero kinuha ang mga pondong palihim na inilaan.

Kaibigan siya ni BBM at First Lady Liza Marcos. Ngunit hinudas niya ang mga kamay na nagpakain sa kanya at palihim na kumampi kay Misfit Sara dahil sa labis na ambisyon na umangat sa halalang pampanguluhan ng 2028.

Hindi namin alam kung paano babangon muli si Tricky Tsis sa iskandalong sangkot siya. Imbes na maging pangulo o pangalawang pangulo sa 2028 ay magiging preso si Tricky Tsis na hihimas ng malamig na rehas. Matinding dagok ito sa political career niya at maaaring ito ang katapusan ng lahat. Magreretiro siya sa piitan.

Sagad sa kabobohan si Jinggoy at Bong Revilla upang muling maakusahan at sangkot sa pandarambong sa kaban ng bayan. Hindi sila natuto. Kung muling nakulong, pangatlo na ito para kay Jinggoy at pangalawa kay Bong.

Hindi namin maintindihan kung bakit kapag may iskandalo ng pandarambong sa pera ng bayan, sangkot ang dalawang ito. Katakawan sa nakaw sa bayan, o sadyang basagulero lang siya. Mahilig sila sa basag-ulo.

Sangkot rin si Joel bagamat hindi siya nangingimi na gamitin ang salita ng Diyos sa pagtatakip sa kanyang kasalanan sa bayan. Hindi nalalayo si Joel sa ibang senador na lubog sa pandarambong. Pareho lang sila ng kategorya ni Jinggoy at Bong Revilla.

Marami pang mangyayari. Hindi ititigil ang paghahanap kay Zaldy Co sa ibayong dagat kung saan doon siya naglalagi gamit ang fake na passport. Magiging aliwan ng sambayanan ang kongresistang astang pusa at ang alalay niya na taga-Batangas.

Marami pang sikretong lalabas sa mga susunod na araw kaya ang pinakamaganda ay abangan na lang.

***

MGA PILING SALITA: “We can live with teachers, whose skills are wanting. Some crash courses and mandatory continuing education will help them improve their teaching skills. But teachers who feed fake news to their students? They are different. They are not true to their calling. They should be condemned. Actually, I know of such teachers. When told that their reading assignments are mostly fake news supporting Duterte, they get so embarrassed. I know of one who had left her class in a huff when exposed she was spreading fake news in her lessons. Disdainful bunch, if you’ll ask me. Students should not hesitate to expose them – publicly. Use social media to the hilt.” – PL, netizen, kritiko

“Inangkin ng China ang kimchi. Sa kanila daw galing at hindi sa Korea? Subukan nilang angkinin ang burong talangka. Gulo iyan.” – PL, netizen, kritiko

“All legislators must accept that dynastic politics has allowed for the prevalence of corrupt practices in all levels of government. Plunder, nepotism, graft, and bribery are more likely to occur if public officials are incentivized to look the other way or cover for each other because they belong to the same clan.” – Kin. Nathan Oducado ng 1Tahanan Party List