Advertisers

Advertisers

Recto: Malinis ang record, malinis ang motibo — pondo ng bayan, pinaglaban hindi pinabayaan

0 25

Advertisers

TAHIMIK pero matatag ang naging tugon ng Malacañang sa desisyon ng Korte Suprema. Buong galang at walang pag-aalinlangan, susunod ang gobyerno, ganito kumikilos ang pamunuang may tiwala sa batas at may respeto sa proseso.

Pero kailangan ding itama ang ilang maling haka-haka. Ang Department of Finance (DOF), sa pamumuno noon ni Sec. Ralph Recto na kilala sa kanyang malinis na record sa serbisyo, ay kumilos ayon mismo sa nakasaad sa 2024 GAA. Walang lihim na galaw, walang pagbaluktot. Legal at malinaw ang mandato.

Dahil dito, nabayaran na sa wakas ang Health Emergency Allowance ng ating frontliners—mga nurse, doktor, at manggagawang ilang taon nang naghihintay sa benepisyong ipinangako sa kanila noong pandemya. Hindi kayamanan ang ibinigay, ngunit katarungan.



At bago pa man maglabas ng ruling ang Korte Suprema, iniutos na ng Pangulo ang pagbabalik ng P60B sa PhilHealth. Kaya umangat sa P113B ang budget nila para sa 2026. Ibig sabihin, hindi kailanman pinabayaan ng gobyerno ang healthcare system.

Habang nagpapatuloy tayo, malinaw ang prinsipyo: bawat piso ay para sa tao. At sa pamumunong may integridad tulad ni Sec. Recto, mas tiyak nating ang pondo ng bayan ay hindi mapupunta sa mali—kundi sa nararapat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">