Advertisers
Ni Beth Gelena
Hindi naman pala inalis si Shuvee Etrata sa MMFF entry nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Call Me Mother.
Katunayan, kasamang humarap ang Kapuso aktres sa mediacon ng all cast ng nasabing movie
Natanong pa nga siya, “Aside from your biological mother, who is that person you consider as a ‘mother?'”
Ang sagot ni Shuvee: “Si meme vice kac mhilig lang syang mamburag as a joke pero deep inside he has a good heart and beauty inside’
‘ito yung iaantay ko. marinig kung anung mensahe nila sa isat isa after all na tsismis or what. nangibabaw pa rin ang love at pagkakaintidhan. the best ka tlaga meme! araw araw mo kong pinapaiyak sa showtime”
Emotional namang sabi ni Meme Vice, “Ako love ko ‘yang si Shuvee. Kaya sabi ko ‘wag tayong malulunod sa ingay dapat tayong dalawa ang nagkakaintindihan. At nagkakaintindihan kaming dalawa ni Shuvee.”
Pinuri naman ng netizens ang young actress sa kanyang sagot.
“Ang eloquent magsalita ni Shuvee kudos for taking the accountability kaya love love na sila ni meme”
May isa namang nagkomento,
‘Parang may alam si Nadine. Hehe nagpopromote kya bati muna kyo.”
Sey naman ng iba, “Asan na mga basher kesyo tinanggal si shuvedooooooo sa movie hahahahha”
‘Nakaka happy that they chose to keep the friendship and be mature in handling issues thrown at them…’
“Shuvee, vice is only guide. But you should have your own descion, based on your guts, beliefs and understanding. No one should dictate you where you should go. Just Pray to HIM and he will lead.”
‘Oh ayan n malinaw na no, galing n mismo sz knila sa kbila nang ibat ibang ingay issue, basta silang dalawa may connection na hindi n kailangan ipakita pa sz lahat at ipublik..
Kaya don’t listen. All the fake news n nakikita at nababsa nyo”
***
MATTEO AT SARAH G. NAGBONDING KASAMA SI CARDINAL TAGLE SA ROMA
Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang mga larawang kuha kung saan kasama niya si Cardinal Luis Antonio Tagle habang siya ay nasa Roma.
Ipinost niya ang mga larawan sa kanyang IG stories.
Nag-enjoy ang aktor at ang misis na si Sarah Geronimo habang sila ay kumakain sa isang Italian food.
Habang nagdi-dinner sila kasama ang mga kaibigan mula sa iba’t ibang lugar, sinabi ni Matteo na puro lang daw tawanan at aral sa buhay ang kanilang ginawa kasama ang Popstar Diva na kanyang misis, si Sarah Geronimo.
Binasbasan pa ni Cardinal Tagle ang celebrity couple.
Ayon sa mister ni Sarah G., sinabi niyang gumugol siya ng oras sa “pag-aaral at pagbabahagi” sa pinakamamahal na pinuno ng simbahang Pilipino.
Si Matteo Guidicelli ay “natututo at nagbabahagi” kay Cardinal Tagle sa Roma, nakikipag-hang out kasama ang mga kaibigan.
Nasiyahan din si Matteo sa pagkaing Italyano at mga pastry, na buong pagmamalaki niyang ipinakita, kabilang ang mga artichoke na inilarawan niya bilang “hindi kapani-paniwala.”
Sa kanyang post, ani Matteo, “Isang makabuluhang araw sa Roma! Pag-aaral at pagbabahagi kay Cardinal Tagle. Salamat, Cardinal… maraming salamat po. Ang pagkain ng Rome ay palaging kamangha-manghang (mga artichoke… hindi kapani-paniwala). Hapunan kasama ang mga kaibigan mula sa malapit at malayo, puno ng tawanan, kwento, at mga aral sa buhay. Marami pang darating.”
Si Cardinal Tagle ay isa sa mga pinakakilalang pinunong Pilipino sa Simbahang Katoliko.
Dati siyang naglingkod bilang Arsobispo ng Maynila at ngayon ay nakabase sa Roma bilang bahagi ng Vatican, kung saan hawak niya ang mahahalagang posisyon na tumutulong sa paggabay sa Simbahan sa buong mundo. Kilala sa kanyang mainit na personalidad at down-to-earth na istilo, kaya ang Cardinal ay hinahangaan ng maraming Pilipino sa buong mundo.
***
JACOB ANG LAGING ‘NAKABUNTOT’ SA TRIP NG PAMILYA NI ATASHA
Hayan hindi na maitatanggi ni Atasha Muhlach na may ugnayan na sila ng anak ng business Tycoon Ramon Ang, si Jacob Ang.
May kuhang larawan ang pamilya Muhlach habang sila ay nagbabakasyon sa Japan kasama si Jacob.
Ayon sa netizens patunay daw iyon na isang resibo na may relasyon nga ang dalawang personalidad.
Komento naman ng ibang netizens: “Yung ayaw nilang magbf anak nila.. pero dahil kilalang pamilya, approved agad”
“Billionaire pa sasayangan pa ba Ang pagkakataon. Nakabingwat ng malaking isda eh.”
“I think nasa tamang edad na siya para magkaroon ng bf.”
“Maliit lang naman kasi ang circle of kakilala nang mga yan, Atsaka syempre, pipili na lang din nang manugang, bakit hindi pa yung mayaman?”
“Parang wala naman naging ganyang statement yung parents nila? In fact, they were praised pa nga dahil open minded sila sa ganyan unlike the other twin-parents in showbiz.”
“Hmmm…tila may pinaparatangan yata ang isang commenter”
“Parang never naman nilang sinabi na bawal pa mag-bf si Atasha. Ang condition lang nya is basta pumunra sa bahay kung manliligaw. Wala nga silang pakialam ano gusto ng anak nila basta makatapos lang ng pag-aaral.”
“Naku baka nga mas natakot pa nyan si Aga kesa sa botong boto eh. Vaka nga pinayuhan pa nyan si Atasha kung sigurado sya sa papasukin nya. Mas mahirap kayang maging jowa mga ganyang high profile. Kaso mukhang walang magawa at mukhang inlove na inlove din yung guy. Laging nakabuntot sa out of the country trip. Pati sa recent post ni guy sa IG nasa bahay sya ng Muhlach at nasa yate.”
“No doubt yan dahil kering keri naman ng guy ang gumastos”
“Baka nung minor pa si Atasha bawal pa dahil focus sa pag aaral. Ngayong legal age na siya plus may work, ano pang reason nila to stop Atasha from dating? Atsaka di naman lugi si Ang kay Atasha, beauty and brains si girl. Maganda din amg school na pinanggalingan.”
“Check out Oliver’s coffee menu, which is apparently owned by Jacob, just posted their newest drink, Tash Light dream. When I saw this, for me, this already low key confirmed everything”
“Haha. I noticed that one too. Followed ko kasi si Tommy na friend ni Jake and nacurious sa Oliver’s Coffee since franchisee sya. Mukhang down bad si guy kay Atasha. In fairness match sila.”
“Dun ko din una nalaman kay Tommy Tiangco sa tiktok. May post kasi sya with tropa kasama si Jake and may nagtanong kung mga single pa tropa nya. Sagot ni Tommy yung Mike tsaka yung isang tropa nalang daw nila ang single. So meaning may jowa si Jake and nakita ko yung search bar dami na pala nila sightings together grabe makastalk ang fans. Hahaha. Kakilig din sila very private but not secret ang atake nila.”
“High profile yang 2 tapos nasa showbiz pa si Atasha. Tsaka mukhang hindi naman nila tinatago. Private lang sila. I saw niceprint’s same day edit sa wedding ng cousin ni Jacob and nandun si Atasha sa wedding.”
“They don’t need Ang’s fortune kung tutuusin. Kaya nila ang same lifestyle kahit wala ang yaman ng mga Ang. Nakabili nga si Aga ng yate during pandemic na kahit hindi na sya ganun kaactive sa showbiz eh. Ngayon pa kaya na graduate na si Atasha at malaki narin kinikita sa showbiz.”