Advertisers
Lahat ng tao lalo na yaong lumaki sa pamilyang mahirap ay nagsusumikap na mapaasenso ang kanilang pamumuhay at tumira sa magagandang istraktura tulad ng mga condominium building subalit sa halip na kaalwanan ay pagdurusa pa rin ang dinadanas dahil sa PAMBUBUDOL ng ilang maiimpluwensiyang DEVELOPERS sa ating bansa.
Ito ngayon ang maigting na panawagan ng VICTORIA DE MORATO STAKEHOLDERS sa kasalukuyang administrasyon na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga KATIWALIAN at KURAPSIYON na hindi lamang matuon sa GOVERNMENT PROJECT INVESTIGATIONS kundi maging sa negosyo ng INFLUENTIAL PERSONALITIES ay mapanagot sa PAMBUBUDOL ng mga taong naghangad na makapamuhay sa rangya ay perhuwisyo naman ang dinadanas ng mga nagsitangkilik na magkaroon ng CONDO UNITS mula sa proyekto tulad ng NEW SAN JOSE BUILDERS INC.
Sa written complaint na idinulog ng VICTORIA DE MORATO UNIT OWNERS sa tanggapan ni DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) NATIONAL CAPITAL REGION-REGIONAL DIRECTOR ATTY. NORMAN JACINTO DORAL nitong April 4, 2025 ay wala pa ring aksiyon sa reklamong dinadanas ng mga na-BUDOL sa dapat ay marangyang buhay sa mundo ng CONDOMINIUM HOUSINGS.
Nakapaloob sa reklamo ang hindi pa rin maibigay ng NSJBI na CONDOMINIUM CERTIFICATES OF TITLE sa mga UNIT OWNER gayong FULLY PAID na ang ilan sa mga umuukopa at sa kabila ng pangungulit ng mga ito ay hindi pa rin maipagkaloob ng developer ang PROOF OF OWNERSHIP ng mga nagsibili ng unit.., na base sa isinasaad ng PRESIDENTIAL DECREE No. 957 ay dapat maibigay na ng developer ang CONDOMINIUM UNIT TITLE sa mga buyer na nakabayad na ng buo.
Bukod sa hindi maibigay ng developer ang PROOF OF OWNERSHIP sa mga FULLY PAID ay matinding pagpo-problema ang dinadanas ng mga UNIT OWNER patungkol sa STRUCTURAL at SAFETY CONCERNS ng CONDO BUILDING.., kung saan, sa tuwing tag-ulan ay mistulang umuulan din sa loob ng ilang CONDO UNITS dahil tumatagas ang tubig-ulan; non-compliant fire exits na isang paglabag sa NATIONAL BUILDING CODE patungkol sa FIRE CODE PROPER SIGNAGE ANG LIGHTINGS na mahalagang aspeto para sa mga HIGH RISE BUILDING; non-functional elevators na madalas ay hindi gumagana; exorbitant water fees na industrial rate ang water service charge at iba pang mga depekto sa nasabing CONDO BUILDING.
Bago pa ang COVID-19 PANDEMIC ERA ay idinudulog na ng UNIT OWNERS ang kanilang mga dinadanas na problema subalit tengang-kawali lamang umano ang developer na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nireresolba ng management o ng developer.
“We have been raising these concerns for several years and have caused severe agony, anxiety and mental anguish to us all. It is to be noted that the developer is also the current Secretary of the Development of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) yet the project management fails to provide any concrete response or resolution,” bahagi ng nilalaman na writtent complaint.
Mga ka-ARYA.., ang developer ng NSJBI ay si JOSE RIZALINO ACUZAR na nagsilbing DHSUD SECRETARY mula noong July 29, 2022 at natapos ang kaniyang panunungkulan sa nasabing ahensiya nang nagsumite ito ng courtesy resignation noong May 22, 2025 at ito ay naitalaga bilang PRESIDENTIAL ADVISER FOR THE PASIG RIVER DEVELOPMENT.., na hindi kaya ang lahat ng mga depekto sa NSJBI PROJECT ay hindi nakararating sa kaniyang kaalaman, na posible kayang may ilan siyang pinagkakatiwalaan na sadyang nanghaharang sa iba’t ibang reklamo para mapasama ang imahe ni ACUZAR? O baka naman kaya hindi inaksiyunan ay dahil si ACUZAR pa ang DHSUD SECRETARY noong nagsidulog ng reklamo ang mga UNIT OWNER ng VICTORIA DE MORATO?
Sa ngayon ay si ENGR. JOSE RAMON ALILING ang DHSUD SECRETARY mula noong May 23, 2025 na ang liderato nito ay kaagapay sa good governance ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para sa BAGONG PILIPINAS na maipagkaloob ang sustainable housing para sa lahat; kung saan, ang VICTORIA DE MORATO UNIT OWNERS ay nananawagan na mapagtuunan ni SEC. ALILING ang pagpoproblemang dinadanas ng mga UNIT OWNER na posibleng may iba pang DEVELOPERS ang nambubudol sa kanilang mga buyer na dapat maaksiyunan ng mga kinauukulan para sa kapakanan ng mga individual na nagsumikap mapaasenso ang pamumuhay ng kani-kanilang mga pamilya!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.