‘Di Lang Sa Batang Quiapo! Rosanna Roces Nasa Netflix With JK Labajo Sa “Sana Sinabi Mo”; Dovie San Andres, Inaalala Pa Rin Ang Nag-iisang Idolong Si Nora Aunor
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Bukod sa regular show ni Rosanna Roces, sa ABS-CBN na “Batang Quiapo” na top-rating at still number one action-drama series. At siya si Boss Divina, rito na kontrabida ngayon sa buhay ni Tanggol(Coco Martin).
May magandang film project, rin si Osang na “Sana Sinabi Mo” na inyo ng mapapanood sa Netflix. At kasama niya rito sina JK Labajo, JC Santos, Lotlot de Leon, RK Bagatsing Nonie Buencamino, Bodjie Pascua, etc. Mula ito sa direksyon at script ni Shaira Advincula. At wow, super interesting itong panoorin at trailer pa lang ay kita na ang kwento tungkol sa tatay at anak.
Gagampanan ni Osang ang character ni Cecil na kaibigang matalik ni Otep(JC Santos) na noong tumanda ay si Bodjie Pascua na ang gumanap. Siya ang may hawak ng lahat ng mga love letter ni Otep. Nawalan sila ng komunikasyon nito at nalaman na lang ni Cecil na naging taong simbahan ito at nagkasakit. Noong kabataan ay sila ang magkasama ni Otep sa mga katarantaduhan at mahilig silang mag-disco dalawa. Nagkaroon ng relasyon si Otep sa ka-penpal na kastila na si Rum. May anak si Otep rito kay Joy(Lotlot) si JK Labajo. At tanging si Joy lang ay may alam na bakla ang mister.
Noong mamatay si Otep ay hinanap ni JK si Rum sa Spain para alamin ang root nito at kung buhay pa ito? At alala ito ng kanyang ama. Makita kaya niya ito? Si Osang ang nagsilbing gabay ni JK na itinuro sa kanya ang unsent love letters ng ama para kay Rum. Ramdam mo ang maemosyong eksena ng dalawa sa lamay at sa sementeryo.
Sa outfit pa lang ay obyus na babaeng bakla ang role ni Osang dito sa Sana Sinabi Mo na na-stuck up sa panahon ni Madonna ang itsura. Well as expected ay superb na naman ang performance ni Osang rito. She’s born actress na kapag bumitaw ng linya ay may lalim lalo na sa ganitong uri ng pelikula. At nagampanan na nito ang iba’t-ibang uri ng roles. May isa pang career ang actress na dati na niyang ginagawa ang mag-perform sa stage at kumanta.Yes, mahusay at crowd drawer pa rin hanggang ngayon si Osang kaya may kumukuha pa rin sa kanya sa abroad. Well, tiyak na bongga uli ang mga bagong projects ni Osang this 2026.
***
Dahil sa pagkakasakit, ay hindi raw naging aware ang Social Media Personality at tinatawag na “Publicity Star” na si Dovie San Andres na ilang buwan ng patay ang idolong si Nora Aunor. Idagdag, pa na matagal ng based si Dovie at tatlong anak na sina Dean, Duke, at Elrey Binoe sa West Vancouver, Canada.
Kaya sabi pa ni Dovie, sa recent chat nito sa amin ay naiyak siya at labis na nalulungkot nang mapanood sa social media platform ang wake at burial ni Nora. Palagi raw pinapanood ni Dovie ang movies ni Ate Guy, noong nasa Bicol pa siya. Yes kapwa bicolana ni Dovie ang nag-iisan Superstar. “Siya(Nora) ang inspirasyon ko noon sa pag-arte. Pagdating sa bahay ay nila-locked ko talaga ang pinto at ginagaya ko ang pag-arte niya.
“Kaya kahit walang nangyari(naloko at nabudol kasi ng pekeng director) sa aking pag-aartista. Kahit paano ay nabigyan ako ng inspiration sa buhay ko ni Nora Aunor. At sobrang naapektuhan talaga ako, na wala na ang ating Superstar.”
Ilan sa memorable movies ni Ate Guy, na mga napanood ni Dovie ay ang mga sumusunod: Himala, Bona, Bongg Ka Day, T-Bird At Ako with Vilma Santos, and many more. Siyempre, marami pang movies si Ate Guy, na napapanood ni Dovie sa Youtube tuwing may free time siya. Basta, for her daw ay walang pwedeng pumalit sa idol niya, at ito lang ang nag-iisang Superstar.