Kilalang Asia’s Sentimental singer at jukebox queen naluha nang makita ang SRO crowd ng “Tanghalang Pasigueno” para sa launching ng kanyang awiting “Pilipino Tayo”
Advertisers
Ni Jimi C. Escala
Dinumog ang launching ni Imelda Papin para sa kanyang awiting “Pilipino Tayo” inspite sa napakaikling araw ng preparasyon.
Ayun pa kay Imelda na kasalukuyang director ng PCSO ay halos tatlong araw lang daw ang preparasyon nila. Pati ‘pag ensayo ay wala pa raw isang oras sa mismong araw ng paglulunsad.
Inialay naman ni Imelda ang kanyang bagong awit na “Pilipino Tayo” sa lahat daw ng Pinoy. Nanawagan siyang dapat na magkaisa sa kabila ng mga pinagdadaanan ng ating bansa.
Naging emosyonal si Imelda sa dami ng mga kaibigan at mga tagasuporta niya na dumalo sa paglulunsad ng kanyang awitin sa Tanghalang Pasigueno .
Bukod sa mga opisyales ng kapisanan. Ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino ay dumating din ang anak niyang si Maffi Papin, huh!
Paglabas namin sa nasabing venue ay nag aabang naman kay Imelda ang maraming loyal fans niya.
Umaasa silang makapagpakuha bg picture kasama ang idolo..
Nakausap pa namin ang isa sa kanila na si Cynthia Laborte na isang senior citizen na at binanggit pa sa amin na teen ager pa lang daw siya ay tagahanga na siya ni Ms.Papin.
Halos lahat daw ng awitin ng singer ay may kopya at memorize niya, huh!
***
Samantala kung may nagsasabing hindi raw nilang pagkasyahin ang halagang 500 para sa isang noche buena kabaligtaran naman ito sa singer, huh!
Naniniwala si Imelda na kayang pagkasyahin ang naturang halaga para sa pamaskong handa ng pamilyang pinoy.
“Oo naman! Depende kasi sa bibilhin mo ‘yun, eh. Halimbawa dalawa lang kayo sa pamilya, siguro P200 to P300 enough na ‘yun di ba? Pero kung kayo ay sampu dagdagan mo pa ng P500 ‘yun. Huwag na natin isipin na hindi kasya. Pagkasyahin na natin,” sey pa ni Imelda.
Naitanong din kay Imelda kung ano ang masasabi niya na maraming kapwa celebrities niya ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong na ‘big fish’ na politiko dahil sa korapsyon?
“May proseso po, may proseso. Hayaan natin ang proseso ang gumawa ng solution tungkol dito and I’m pretty sure 100 percent kung sino po ang nagkasala diyan ay mayroon pong makukulong. Naniniwala ako, konting patience lang po, ipagdasal na lang natin na magawan ng paraan ‘yan,” saad pa ng nag iisang Imelda Papin.