Advertisers

Advertisers

Gretchen abswelto sa sabungero isyu

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Naglabas na ang Department of Justice ng kanilang resolusyon hinggil sa kaso ng missing sabungeros na sangkot ang negosyanteng si Atong Ang.

Sa kanilang resolusyon, sinabi nilang may sapat na ebidensya para magdawit sa negosyante at sa kanyang mga kasabwat sa nasabing kaso ng 10 counts of kidnapping with homicide at 16 counts of kidnapping with serious illegal detention.

Gayunpaman, ang aktres na si Gretchen Barretto at sampu pang miyembro ng tinatawag na Pitmaster Alpha Group ay inabsuwelto.

Ayon sa ahensiya, walang nakitang matibay na basehan sa pagdadawit sa aktres at iba pang sangkot sa kaso.

Wala rin daw ebidensyang magtuturo na may direktang partisipasyon si Barretto at ang kanyang mga kasamahan sa pagbibigay ng order hinggil sa pagkawala ng mga nabanggit na sabungeros.

Sa kanya namang Facebook account, nag-react ang beteranong news journalist na si Emil Sumangil tungkol sa naturang resolusyon ng DOJ.

Post niya: “At last….Justice for the missing sabungeros! In God we trust”

Matatandaang sa programa ni Sumangil in-expose ng whistleblower at witness na si Julie “Dondon”Patidongan ang tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Sa kanyang expose, nakatanggap din ng death threats si Sumangil.

Sa kaso naman ni Gretchen, wala pa siyang ibinibigay na pahayag sa kanyang pagkaka-abswelto sa usapin ng missing sabungeros.

***

Ina pasabog ang papiging

Pasabog ang papiging na kaseksihan ni Ina Feleo sa kanyang latest travel adventure sa Palawan.

Sa kanyang update, makikita siyang nag-eenjoy sa pagbibilad ng katawan sa isang white sand beach sa Balabac.

Tila Eba siyang napadpad sa temptation island na nag-aanyaya sa bawa’t Adan.

Umani rin ito ng random na reaksyon sa kibitzers.

Ito ang ilan sa kanilang ma komento.
“gandah”
“So pretty”
“Pasabog ang papiging”
“Sobrang hot.”
“Sobra kang pinagpala.”
“Ang lakas ng elya factor.”