Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Mapalad ang upcoming singer at tinaguriang Bossa Nova Princess na si Andrea Gutierrez dahil makailang ulit na niyang nakasama sa mga shows at concerts ang music icon na si Rey Valera.
At bilang isang baguhan na halos nagsisimula pa lamang pumalaot sa mundo ng musika, may natutunan si Andrea kay Mr. Valera.
“Ako naman po, sabi po sa akin ni Tito Rey yung mga pronunciations ko po.
“kasi more on English po ako tapos yung mga kanta niya po more on Tagalog.
“And sabi niya po sa akin na kung mayroon man po ako na ilalabas na song, i-share ko lang daw po ng i-share hanggang sa kumalat daw po yung song.”
Happy at excited si Andrea na muling makatrabaho si Mr. Valera at ito ay sa concert na The Next Ones. Gaganapin sa December 13 ng gabi sa Music Museum, makakasama ni Andrea sa concert si Isha Ponti na binasagan naman bilang Asia’s Pop Sweetheart.
Ang The Next Ones ay produced ng Ponti Entertainment Production at sa direksyon ni Calvin Neria.
Mga special guests sa show sina Rey, Aquila Packing, Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe.
Available ang tickets sa https://premier.ticketworld.com.ph/shows/show.aspx?sh=NEXTONES25.
Samantala, tulad ng kahit na sinong mang-aawit ay may nais mangyari si Andrea.
“Ako po ang goal ko po, magkaroon po ng hit song!
“Iyon po talaga yung number one goal ko, and siyempre po makilala po sa industry, so iyon po.”
Samantala, tulad pa rin ng ibang young female singers, may iniidolo si Andrea sa hanay ng mga established artists dito sa Pilipinas.
“Kakapanood ko lang po ng concert niya, si Ms. Lani Misalucha po.
“Kasi before po ako mag-Bossa Nova ang mga kinakanta ko po yung mga Tila, ganyan po, yung mga songs po ni Ms. Lani.
“So siya po yung idol ko.”
Samantala, all-out ang support kay Andrea ng mommy ni Andrea na si Rowena Dayacap Gutierrez na incidentally ay schoolmate namin noong kolehiyo sa Perpetual Help College of Laguna na ngayon ay University of Perpetual Help System Laguna na.