Advertisers
Ni Beth Gelena
Pinabulaanan ng kampo nina Manny at Jinkee Pacquiao ang espekulasyon na walang ibinigay na mahalagang bagay ang Pambansang Kamao sa kanyang anak na si Eman Bacosa.
Nilinaw din ni Jinkee na wala siyang isyu kay Eman.
Si Eman ay gumagawa ng sarili niyang pangalan magmula ng maging Kapuso artist na siya.
Hindi niya kagustuhan, pero isa na siyang hot celebrity lalo pa at ang laki ng koneksyon ng kanyang family name sa People’s Champ na si Manny Pacquiao.
Magmula nang lumabas na siya ay anak ng 8-time boxer champ dahil sa kanyang pagboboksing at nanalo sa Thrilla in Manila isa pa doon na lumabas na siya ay anak ni Manny sa ibang babae.
May lumabas na binigyan umano ni Manny ng isang luxury apartment at branded original watch si Eman.
Kalat na kalat na nga ang pangalan ni Eman, pero ang maganda sa kanya never niyang ipinagyayabang kung anuman ang tinatamasa niya ngayon.
Aba, sa ilang buwan pa lang niya sa showbiz circle ay sunud sunod na ang kanyang ini-endorsong produkto.
Nandyan din ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na balitang ipinag-shopping ng mag-asawang celebrity doktor.
Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang pagsa-shopping ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr. para kay Eman.
Isa sa shinopping umano ng mag-asawa kay Eman ay Rolex watch kaya naman ini-intriga ng netizens na si Pacman daw ay hindi man lang mabilhan ng branded watch si Eman.
Dahil dito ay nagsalita ang isang source na malapit sa mag-asawang Pacquiao.
Ipinost nito Bernard sa kanyang Instagram Story ang relong Patek Philippe.
Iyon daw ang relong ibinigay ni Manny kay Eman.
Tuloy ang komento ng netizens: “Ginawang villain si Manny at Jinky pero nakalimutan atang pumatol ang mama nya kay Manny kahit alam na may asawa na. Akala yata nya maging buhay mayaman na sya tulad ng legal na asawa. Naalala ko pa noon ng magkaso ang mama nya at galit dahil nagtatago daw si Manny sa saya ni Jinky. Hindi din nila kinocorrect ang akala ng mga tao na wala syang nakuha pero ang totoo may ibinigay na pera at nagpirmahan pa.”
“Wala naman tayong ambag kaya wag ng gawan pa ng issue ang mag-ama.”
“sa interview nga di ba inamin nang nanay ni eman sa old interview na 1.2M naibigay sa kanya nung pinuntahan niya si manny sa kongreso . pero bakit naghirap si eman nung bata eh may binigay si manny. siempre hindi lang sa kanya nagagastos .ngayun dhil sa pagtanggap ni manny at okay sila aminin man nila o hindi anuman natatamasa nila ngayun ni eman at nang pamilya nang nanay niya yan ay dhil anak cya ni manny hindi anak ni joan kaya dapat thankful nalang sa lahat wag na intrigahin pa o ibash yung daddy niya.”
Ayon naman sa sumusuporta kay Eman, “Leave Emman alone, let him enjoy what’s happening to his life now.!”
Pagtatanggol naman ng netizens sa Pinoy champ, “Nako huwag nang mang bash kay Manny basta ang importante nagkakilala sila mag ama at nag kikita na nagkaayos na sila happy na sila ..suporta nalang tayo para sa kanila..God bless…”
“Diba Ang Sabi. Ni sir many wla cyang. Favoritism na anak. Pareho lang clang lahat diba po. Kasi nga may dreams c Emman na ipakita tlaga sa ama niya na kaya Naman niya mag provide nang Income Niya. ..at Isa pa maayos nam cla mag ama support nalang Tayo sa kanila para Kay Emman na sana mareach niya lahat Ang dreams niya b db ..”
“Kung kayang magbigay sa ibang tao, kaya din niyang magbigay sa sariling dugo. Whatever arrangements they have is non of our business.”
“thats true don’t blame Manny. His very supportve Father”
“Very humble child ; he can be a model personality among young ones ; Thumbsup 100% Galing ng character niya. Poverty sometimes breeds a respected role model character in person . Stay grounded Eman.”