Advertisers

Advertisers

E-BIKE ANG SAKALAM

0 13

Advertisers

WALA tayong pagtutol sa paggamit o’ pagdami ng mga e-bikes. Naging malaking usapin ngayon ang paglipana ng mga ito sa ating mga lansangan bilang isang ‘mode of transportation’ ika nga.

Sino ba naman ang hindi. Bukod sa maliit na halagang kakailanganin para magkaroon nito, di pa ito gumagamit ng gasolinang pagkamahal-mahal na sa ngayon.

Binibigyan nito ng pagkakataon ang lahat na magkaroon ng sasakyang kakailangnin sa pagbibiyahe, nang di na makasakay sa mga lumang jeep, masikip na tricycle at mababahong taxi.

Isa lang ang problemang kinakaharap ng lahat sa pagdami ng e-bike, paano ito ireregulate? Wala nang makakapag-pigil sa oaggamit at pagdami ng e-bike kaya kailangan na talaga ng batas o’ regulasyon dito. Kasi sasabog sa ating mga mukha ang problema nating kakaharapin dito sa mga darating na panahon.

Ang matagal na panahon nang di pagtingin sa isyu ng e-bike ay nagsisimula nang silaban ang mitsang magpapasabog sa isyung ito. Kaya kailangan na nating magmadali, sa paghanap ng solusyon sa suliraning ito.

Isa sa naiisip ko, ay ang pagkilalang sa sasakyang ito na mapabilang sa mga rehistradong sasakyan, at ang may dala nito o’ magmamaneho ay kinakailangang lisensiyado.

Kapag di nagawa ang mga ito, ay talagang sasabog na sa ating mga mukha ang problema.

Pagsabog din lamang, ang ating pinag-uusapan, may kinakaharap din tayong pag-sabog mismo ng sasakyang ito. May mga balita ng ganito saan man panig ng daigdig. Isa din yan sa dapat nating tingnan sa isyu ng e-bikes.

Sino sino ba ang mga dapat gumalaw sa isyung ito. Ang mga hula niyo ay hula ko rin. Pero kung sa mga kurap nating mga ahensiya iiwan natin ang oagsasa-ayos sa mga e-bikes, pihado ako mas malaking pag-sabog ang ating kinakaharap.

May batas nang naisakatuparan dito, alam ko. Pero mas mainam ata na ngayon palang ay amendiyahan na ito para sa ikabubuti nating lahat.