Advertisers

Advertisers

Babaeng ikakasal na ‘missing’ sa QC

0 30

Advertisers

NAIULAT na nawawala ang isang babae na nakatakdang ikasal matapos magpaalam na bibili ng kanyang gagamiting sapatos sa araw ng kasal sa Quezon City.

Kinilala ang nawalang bride-to-be na si Sherra De Juan, 30 anyos, apat na araw bago ang kanya sanang nakatakdang kasal noong Disyembre 14.

Kaalinsabay nito, bumuo ng Special Investigation Task Force (SITG) ang Philippine National Police (PNP) upang pangunahan ang imbestigasyon ang lahat ng angulo upang matiyak ang agarang paglutas ng kaso.



Sa imbestigasyon, nag-text si De Juan sa kanyang nobyo na si Mark Arjay Reyes noong Disyembre 10 na pupunta siya sa Fairview Center Mall para bumili ng sapatos na gagamitin sa kasal, subali’t hindi na siya nakauwi.

Nabatid din na naiwan ni De Juan ang kanyang cellphone sa bahay habang naka-charge, at ang nasabing device ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya para sa forensic analysis.



Sa kasalukuyan, tinitignan ng mga imbestigasyon ang mga kuhang CCTV footage, datos mula sa cellphone ng naiwan ng biktima at pahayag ng mga saksi.

Inatasan ni PNP Chief, Lt. General Jose Melencio Nartatez, ang Special Investigation Team (SIT) ng Quezon City Police District (QCPD) na beripikahin at patunayan ang lahat ng impormasyong nakalap mula nang maiulat ang insidente.



Sinabi ni Nartatez na gagawin ng PNP ang lahat para mahanap ang dalaga at mabigyan ng linaw ang pangyayaring ito.

Nag-alok na ang nobyo ni De Juan ng gantimpalang P20,000 para sa anumang impormasyong makapagtuturo sa kinaroroonan nito.(Mark Obleada)